• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga private school teachers kailangan din ng salary increase tulad ng public school teachers

TINULIGSA ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang Department of Education sa pagtanggi nito sa hinihinging salary increase ng mga guro mula sa public at private sectors.

 

 

Ayon sa mambabatas, dismayado at nababahala siya sa pahayag ng DepEd na hindi prayoridad ang upgrading o dagdag sahod ng mga guro sa public school.

 

 

Aniya, naiiwan ang mga public school teachers ng ibang propesyon sa kabila na may kahalintulad silang kuwalipikasyon.

 

 

Pinakamababa ang sahod ng mga guro kumpara sa ibang teachers sa ibang southeast Asian countries.

 

 

“For the longest time, the government has been denying public school teachers salary increases by pitting their salaries against teachers in the private sector, which is wrong because most private school teachers are paid at very low rates, even near-starvation salaries. Salaries of public school teachers should set the standard for salaries in the private school, not the other way around,” dagdag ni Castro.

 

 

Matagal nang nasa frontline ang mga guro sa pagbibigay ng edukasyon sa kabila ng kakulangan ng suporta mula sa gobyerno, gamit ang sariling pera para ipambili ng learning materials, o internet connection para sa blended learning modalities.

 

 

Isinulong ng partylist ang House Bill 203 o An Act Upgrading the Salary Levels of Public School Teachers to Salary Grade 15 and Teaching Personnel in Higher Education to Salary Grade 16, and Increasing the Salaries of Non-Teaching Personnel to P16,000.

 

 

Kabilang na ang House Bill 562 o An Act Increasing the Minimum Salaries of Private School Teachers to P30,000 per month. (Ara Romero)

Other News
  • PBA tatapusin ang elims sa Pampanga

    Target ng PBA ma­nagement na tapusin na muna ang eliminasyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga bago ibalik ang mga laro sa NCR.     Inilagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR simula sa Setyembre 8 hanggang 30.     Kaya naman posibleng bumalik na sa NCR ang liga sa […]

  • PAGSASAAYOS NG BAYBAYIN NG MANILA BAY, PINABORAN NG MGA KONSEHAL NG LUNGSOD NG MAYNILA

    PINABORAN ng Konseho ng Lungsod ng Maynila ang pagpapaganda at pagpapaayos sa baybayin ng Baywalk sa kahabaan ng Roxas Boulevard na ipinapatupad ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH).   Sa resolusyong inihain at inakda sa Konseho nina  District 4 Councilor Don Juan “DJ” Bagatsing at […]

  • 2 suspek sa pagpatay sa 2 bata sa Bulacan, timbog sa Maynila

    Naaresto na ng mga otoridad ang isang mister at menor-de-edad niyang anak-anakan na sinasabing responsable sa pagpatay sa dalawang bata sa masukal at bulubunduking bahagi ng siyudad na ito sa Bulacan noong Miyerkules.     Nakilala ang pa­ngunahing suspek na si Romeo Ruzon, 41, gumagawa ng walis at ang kanyang 17-anyos na stepson, kapwa residente […]