Mga pulis na nagsisilbing bodyguards sa POGO workers at officials, imbestigahan
KINONDENA ng isang mambabatas ang napa-ulat na unauthorized assignment at deployment ng mga pulis bilang bodyguards ng Chinese POGO (Philippine Offshore Gaming Corporation) officials at workers.
Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang nasabing police scheme ay napa-ulat na ginagawa ng may ilang taon.
Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin sa isang GMA TV News report na dalawang miyembro ng PNP Special Action Force na nakatalaga sa Zamboanga ang inaresto ng y local police mula Muntinlupa City matapos magkaroon ng away sa loob ng bahay ng isang POGO official.
sa ulat, ani Barbers, ang dalawang PNP SAF officers ay nagsa-sideline o “moonlighting” bilang personal bodyguards ng isang hindi pinangalanang Chinese POGO official na nakatira sa Barangay Ayala Alabang sa Muntinlupa City.
Lumabas pa sa ulat na ang Battalion Commander ng nasabing dalawang PNP SAF officers, na pumayag sa deployment ng mga ito bilang POGO bodyguards, ay tumatanggap umano ng kalahati sa natatanggap na buwanang “sahod” ng mga ito.
“Worse, the two arrested PNP SAF officers could not provide documents as proof that they are officially designated as POGO bodyguards,” ani Barbers.
Hinikayat naman ng mambabatas si PNP chief Gen. Rommel Franciso Marbil na imbestigahan ang naturang alegasyon.
“Grabe na ang nangyayari sa PNP, ibang nakakadismayang kultura na talaga ang nangingibabaw sa isip ng ilang tiwali nating opisyal. Kung ang Battalion Commander sa PNP SAF ay kayang magpa-deploy ng bodyguards sa POGO, hindi malayong mangyari na puwede rin silang maging bodyguard ng mga Chinese drug lords,” pahayag pa ni Barbers.
sinabi ni Barbers na tanging PNP Police Security Protection Group (PNP PSPG) ang may mandating maglaan ng security sa mga vital government institutions, government officials, visiting dignitaries, at private individuals na ligal o otorisadong binigyan ng proteksyon. (Vina de Guzman)
Other News
-
DEPLOYMENT NG MGA HEALTH WORKERS, IREREKOMENDA
IREREKOMENDA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magdagdag ng deployment cap ng mga healthcare workers overseas kasunod ng apela ng Medical Technology Group. Maaalala na ipinataw ang pansamantalang 5,000 deployment cap noong nakaraang taon upang hindi maubusan ng health workers sa bansa na tutugon sa gitna ng pandemya. […]
-
Nagpunta sa Fortis Airbase para mag-skydiving: EULA, hinangaan sa kanyang adventurous spirit
TODAY, March 1, ang simula ng showing ng second episode ng controversial but top-grossing movie for 2022, na “Maid in Malacanang,” ang “Martyr or Murderer” produced again by Viva Films under the direction of Darryl Yap. After the very successful premiere night last Monday, February 27, sa SM North EDSA The Block Cinemas […]
-
NAHULING LOCKDOWN VIOLATORS SA NAVOTAS, 3,071 NA
UMABOT na sa 3,071 ang naaresto ng mga awtoridad na mga lumabag sa patakaran simula ng umairal ang ipinapatupad na lockdown sa Navotas city, hanggang 5pm ng July 21. Sa ulat ng Navotas Police, sa bilang na ito ay 2910 ang nasa hustong gulang at 161 naman ang menor-de-edad. Ayo naman kay Mayor Toby Tiangco, […]