Mga residential gatherings sa ilalim ng Alert level 3, hindi dapat daluhan
- Published on January 5, 2022
- by @peoplesbalita
DAPAT na maging ekslusibo na lamang para sa mga nakatira sa isang tahanan ang alinmang isasagawang gathering o pagtitipon at hindi na maaari pa ang pagtanggap ng bisita.
Ito ang inihayag ni IATF at Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa gitna ng ipinatutupad na mga restriksiyon sa kasalukuyan sa ilalim ng Alert Level 3 dito sa NCR.
Ani Nograles, ang pagbabawal ay ginawa para na rin mabigyan ng proteksiyon partikular ang mga senior citizen at persons with comorbidities.
Ibang usapan naman na aniya na magkakasama ang magkakaibigan o magkakamag- anak sa iisang lugar halimbawa sa restaurant.
Maaari naman aniya ito gayung ang mga magkakasama ay maaaring masita kahit mismo ng management ng establisyemento at hindi kagaya ng residential gatherings na maaari pang gamitin ang right to privacy.
“Bawal na po iyon because you know may voice and of course hindi na puwede iyon. Then most importantly, gatherings in residences with individuals not belonging to the same household, hindi na pupuwede,” anito.
“Pagdating sa private places, hindi kasi. At dahil hindi natin ma-enforce iyan, the safest measure is to not allow itong gatherings in residences, kapag hindi ka nakatira doon sa bahay na iyon. Also remember ang pino-proteksyunan natin dito are senior citizens, persons with comorbidities, especially ‘no. So, this is something that’s very important to us,” dagdag na pahayag ni Nograles.
“Pagdating naman sa mga restaurants, di ba, we can already enforce na dapat fully vaccinated ka. By the way, strictly speaking under alert 3, we’re back to that system na person with comorbidities and senior citizens cannot leave the house uncles essential activities,” aniya pa rin sabay sabing “At least sa restaurant kasi we can enforce. Ang problema sa bahay kapag nakapasok na sa bahay, hindi na natin ma-enforce kasi siyempre iyong privacy, Right to Privacy na iyan eh, so we cannot check. At the restaurants at least the government is able to check ‘no.”
-
PH-US bilateral defense guidelines tugon sa mga hamon na ating kinakaharap – PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bagong bilateral defense guidelines na pinagtibay ng Manila at Washington ay siyang tugon sa security challenges na kinakaharap ng dalawang magka-alyadong bansa. Binigyang-diin ng Pangulo na layon ng nasabing guidelines ay ang pagtatanggol laban sa mga banta sa cyberspace, naglalayong “gabayan ang mga priyoridad na […]
-
Duterte at BI Com Jaime Morente, inaasahang maghaharap
INAASAHANG magkaka-face-to-face sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente sa gitna ng naungkat na bribery scandal sa ahensiyang pinamumunuan nito. Posibleng mangyari ang paghaharap ng dalawa sa susunod na cabinet meeting kung saan ay nais mismo ng Pangulo na malaman ang pagpapatakbo ni Morente sa Immigration Bureau. Ayon […]
-
Ina ni Maine sa pekeng video scandal ng anak: ‘Di makatarungan
Hindi napigilan ng ina ni Maine Mendoza na maging emosyonal nang tuluyang dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cyber Crime Division kaugnay ng kumalat na video scandal umano ng aktres kamakailan. Ngayong araw, December 28, nang magtungo sa NBI ang ina ni Maine na si Mrs. Mary Ann Mendoza kasama ang abogado […]