• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga sibilyang pinatay ng Russian forces sa Bucha sa Ukraine, nasa mahigit 300 na – Bucha mayor

TINATAYANG  nasa mahigit 300 na ang bilang ng mga sibilyang pinatay ng mga sundalo ng Russia sa Bucha sa Ukraine.

 

 

Sa isang pahayag ay sinabi ni Bucha Mayor Anatoly Fedoruk, na personal niyang nasaksihan ang walang habas na pagpatay sa maraming mga sibilyan na kabilang sa 320 nasawi sa kanilang lungsod.

 

 

Inalala ni Fedoruk kung paano brutal na pinagbabaril ng Russian forces ang tatlong civilian cars na sinubukang ilikas ang kanilang sarili patungo sa Kyiv.

 

 

Mayroon din aniya siyang nasaksihang isang lalaki na nagmamakaawa sa mga tropa ng Russia na huwag barilin ang kanyang nagdadalang-tao asawa, ngunit binaril pa rin nila ang mga ito.

 

 

Bukod dito ay sinabi rin ni Fedoruk na hina-hunting daw ng Russian military ang mga local poticians.

 

 

Samantala, hinamon naman ng Bucha mayor na magtungo sa kanilang lugar si Russian Foreign Minister Sergei Lavrov upang makita nito ang nagkalat na mga bangkay ng maraming sibilyan sa daan at ang sitwasyon ngayon doon, at tignan ng diretso ang mga mata ng naiwang pamilya ng mga biktima ng nasabing massacre.

 

 

Magugunita na una nang nagpahayag si Lavrov nang tila paghuhugas-kamay sa mga alegasyon ng war crimes sa Moscow at sinabing walang kinalaman ang Russian military sa nangyaring kalunus-lunos na pagpatay sa mga sibilyan sa Bucha.

Other News
  • LOVI, balitang pinigilan ng GMA Network sa paglipat ng ABS-CBN

    KASALUKUYAN pang nasa USA si Kapuso actress Lovi Poe dahil natapos na nila ng cast ng romantic-comedy series na Owe My Love, kasama niya sina Benjamin Alves, Ai Ai delas Alas, Jackie Lou Blanco, Winwyn Marquez, Nova Villa at marami pang iba.      Kaya virtual lamang ang interview sa kanya tungkol sa balitang lilipat […]

  • ‘Price ceiling’ sa mga produktong baboy, manok ipinatupad sa Kamaynilaan

    Kinumpirma ng Palasyo ang pagtatakda ng hangganan sa pagpepresyo ng ilang produktong baboy at manok sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng pagsirit nito buhat ng African swine fever (ASF) na nakaapekto sa suplay ng karne sa Pilipinas.     Una nang humiling ng “price control” at dagdag sahod ang mga manggagawa’t Department of […]

  • MARIAN, mukhang nainggit sa pagiging ‘fangirl’ ni BEA kay HYUN BIN

    USUNG-USO na ang fangirling sa ating mga aktres ngayon, isa na nga ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo.     Nang mapanood niya ang sarili niya kasama in one frame ang bida ng Crash Landing On You na si Korean actor Hyun Bin for an advertisement ng isang shopping app na laging napapanood […]