Mga taga- NCR dumagsa sa mga pampublikong pasyalan at mall, parang nakawala sa hawla –MMDA
- Published on October 26, 2021
- by @peoplesbalita
ITINURING ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. ang mga tao sa National Capital Region (NCR) na parang nakawala sa hawla sa unang linggo ng alert level 3 sa Metro Manila.
Dumagsa kasi ang mga tao sa ilang pampublikong lugar at mga pasyalan gaya sa Manila bay.
Ani Abalos, nalito at labis na na-excite ang mga tao ngunit sa mga sumunod na araw ay naging maingat na ang mga tao sa Kalakhang Maynila at sumusunod na sa social distancing.
“Sa simula talagang dagsaan ang tao, talagang parang nakawala sa hawla, especially doon sa dolomite beaches and then nagkaroon ng konting…nalito sila kung pupuwedeng pumunta sa mall,etc,”ayon kay Abalos.
Ang mahalaga aniya ay madali namang makaintindi ang mga tao at sumusunod naman sa mga panuntunan na isang magandang indikasyon para magkaroon tayo ng masayang paskong Pinoy.
“We are opening up slowly and as you would see, even dito sa undas natin medyo naghigpit tayo. We are slowly calibrating, although papunta na tayo roon, konti na lang andoon na yung push natin ” aniya pa rin.
Samantala, patuloy nilang oobserbahan ang sitwasyon sa mga susunod na araw para makita ang resulta ng ipinatutupad na alert level 3 sa Kalakhang Maynila. (Daris Jose)
-
Mayor Isko handang magpaturok ng Sinovac
Handa si Manila City Mayor Isko Moreno na isa sa mauunang magpaturok ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac makaraang mabigyan na ito ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drugs Administration (FDA). Sa pulong ni Moreno sa mga miyembro ng Manila City Council ipinaalam niya na ang kahandaan na mabakunahan ng naturang […]
-
NAGPANGGAP NA NAKAPANGASAWA NG FILIPINOS, 2 KOREAN NATIONAL, PINIGIL SA NAIA
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Korean national na tinangkang iligal na pumasok sa bansa gamit ang iang pekeng entry visas sa pagpapanggap na nakapag-asawa ng isang Filipinos. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang dalawang Korean […]
-
Gamitan ng pangalan ng mga politiko para makakuha ng contract purchase sa gobyerno, kinastigo ni PDu30
Saksakin na lang ninyo. Wala ‘yan. Ito ‘yung mga parasites, mga linta, and they thrive on the gullible iyong pati ‘yung naive na lolokohin mo ‘yung kapwa mo tao,” diing pahayag ng Pangulo. Sinabi ng Pangulo na kung alam naman ng isang tao na diretso siya, maganda ang kontrata, kumpleto, walang kulang ay walang […]