• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGCQ sa buong bansa, kung may 20 milyong bakuna na! – Duterte

Nakahanda na si Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang ekonomiya basta’t uma­bot sa 20 milyon hanggang 40 milyon doses ang naka-stock na bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos dumating sa bansa kamakalawa ang bakuna na donasyon ng China.

 

 

Sinabi ng Pangulo na hindi kailangang umabot sa 110 milyon ang bakuna.

 

 

“Kung mayroon ng — if the vaccine is available to anybody for one reason or another, sa mga probinsiya na-distribute na ‘yan kasi hindi naman mag-abot ng 110 million. Eh sa estimate nila it’s about 40 million. Kung maka-hit tayo ng 40 million o nandiyan na ‘yong vaccine, maski mag — mayroon tayong mga 20, 30, buksan ko na. Buksan ko na dahil sa economy,” ani Duterte.

 

 

Sinabi ng Pangulo na lugmok ang ekonomiya kaya dapat mabilisan ang pagpapabakuna.

 

 

“I am considering it actually. ‘Pag start… Buksan ko na because there are two things that are really bugging us: it’s the economy and COVID-19. Nakatutok ‘yan. Our economy is really down, as in down. So the earlier na mabilisan itong vaccine, the better,” ani Duterte. Idinagdag ng Pangulo na kailangang kumain, magtrabaho ay magbayad ng mga bills ang mga mamamayan na mangyayari lamang kung bukas ang ekonomiya upang lumago ang mga negosyo

 

 

Sinabi ng Pangulo na isang milyon doses ng bakuna ang inaasahan ngayong buwan at kailangang magkaroon ng 2 milyon doses para mailagay sa modified general community quarantine ang Metro Manila.

 

 

Pero kung magkakaroon aniya ng maraming bakuna ay bubuksan lahat ng Pangulo ang mga negosyo.

Other News
  • Sotto nag-workout sa Orlando Magic camp

    SINISIMULAN na ni Kai Sotto na magpasiklab sa mga NBA teams upang magkaroon ang mga ito ng interes sa Pinoy cager para sa 2022 NBA Rookie Draft na gaganapin sa Hunyo 23 (Hunyo 24 sa Maynila) sa Brooklyn, New York.     Nagpatikim si Sotto sa kanyang social media account kung saan may post ito […]

  • BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG DOH-CALABARZON, PINANGALANAN NA

    MAY bago nang itinalagang Regional Director ng DOH-CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon ) sa katauhan ni Dr Paula Paz M. Sydiongco.   Si  Sydiongco ay itinalaga ni DOH Secretary Francsico T. Duque bilang bagong Officer-in-charge ng Regional Office, CALABARZON bilang kapalit ni RD Eduardo C. Janairo na nagretiro nitong November 20, 2020 sa edad […]

  • Malakanyang kay FPRRD: Don’t be selfish, follow constitution

    TINAWAG ng Malakanyang na ‘selfish’ o sakim si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte nang ipanawagan nito na patalsikin sa puwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.     “No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter (Vice President Sara Duterte) can take over,” ang […]