Michele, kinumpara kay Pia na tatlong beses natalo pero nanahimik lang
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
SIMULA na ng mga sleepless night ng actress na si Ryza Cenon dahil sa kanyang bagong silang na anak, ang kanyang panganay na anak at baby boy na si “Night.”
Ipinanganak nga ni Ryza ang baby nila ng kanyang live-in partner na si Miguel Cruz noong madaling-araw ng October 31 at 13 oras siyang nag-labor.
Kahit sobrang hirap at sakit daw, kinaya ni Ryza na mailuwal ang anak sa pamamagitan ng normal delivery. At noong Monday nga ay nakauwi na silang mag- ina sa kanilang bahay.
Nakausap namin si Ryza at understandable naman ang pagod na nararamdaman nito sa panganganak. Labing-tatlong oras ka ba naman na mag-labor. Pero sey niya, worth it naman daw lahat. Napawi raw ang naramdaman niyang sakit at pagod sa unang pagkakita pa lang sa baby niya. Naiyak daw siya sa kaligayahan.
“Night” ang pinangalan nila o palayaw ng baby dahil pareho raw sila ni Miguel na pinaka-favorite time of the day ang gabi. At mukhang katulad nila, ang baby niya ay mukhang paborito rin ang night time dahil gising daw ito sa gabi kaya ayon dito, wala pa talaga siyang tulog.
Medyo hirap pang maglabas ng breastmilk si Ryza, pero to the rescue ang kaibigan niyang si Chariz Solomon na nanganak din kamakailan lang at nag-share ito ng breastmilk sa kanya.
*****
BINASAG na ni Michele Gumabao, ang Miss Quezon City at 2nd runner-up sa nakaraang Miss Universe-Philippines ang kanyang pananahimik. Pero, yun lang, tingin namin ay wala pa rin naman itong ni-reveal.
Sa pamamagitan ng kanyang vlog, emosyunal nitong nilahad ang kanyang statement na, “I heard things that I wasn’t supposed to hear.”
Ang dahilan kung bakit wala siya sa photo-op at kung bakit pinili niya raw na mauna nang bumalik ng Manila from Baguio.
Pero siyempre, sa kabila ng pagsasalitang ito ni Michele, tinitingnan pa rin siya ng netizens bilang sore losers.
Bukod dito, ilang netizens din ang nag-comment na tumigil na raw sana si Michele, puro drama raw.
Komento pa ng netizen, “Napaka- entitled nya pramis at notice how she never mentioned Rabiya’s name, she referred to Rabiya as “the winner”
Payo naman ng isang netizen, “You have choices, lahat ng candidates di naman siguro pinwersa. At kapag sumali ka kailangan dedicated ka win or lose. At sana sinabi mo yung ano yung di mo dapat marinig baka sakaling mas maintindihan ka talaga. These statements parang nagpapatibay lang kung bakit di ikaw.”
Kinumpara rin si Michele ng ibang netizens kay Pia Wurtzbach na tatlong beses natalo bago nasungkit ang Miss Universe crown mismo, pero wala raw mga ganyang drama gaya ni Michele at Sandra Lemonon.
*****
PAGKATAPOS ng walong araw na recap ng Descendants of the Sun, simula sa November 5, mga fresh episodes na ang mapapanood sa award-winning GMA Telebabad serye.
Ayon nga sa director ng DOTS Ph na si Direk Dominic Zapata, “Viewers should expect the same quality from DOTS Ph because that’s what they deserve. If anything, there will be even bigger, more mind-blowing revelations as our protagonists’ world become smaller and more complicated. The show won big in the Seoul International Drama Awards and it promises to live up to that.”
Ang mga fresh episodes na mapapanood ng mga Kapuso simula sa November 5 ay ang tinaped na nila na sa pamamagitan ng lock-in taping.
Ang DOTS Ph ay pinangungunahan nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith. (ROSE GARCIA)
-
First time na magkakaroon ng entry sa Cinemalaya: JC, napatunayang aktor at ‘di tulad ng ibang guwapo pero banong umarte
SA social media lang nalamam ni former FDCP Chairperson Liza Dino na pinalitan na siya ni Tirso Cruz III bilang head ng naturang agency. Noong Martes ng umaga ay umugong ang tsika sa social media na nakatakdang manumpa ni Tirso bilang bagong head ng FDCP. Pero hindi ito nakumpirma until lumabas […]
-
Zarate, ginagamit di umano ang perang kinokolekta ng NPA para pag-aralin ang anak sa Europa
INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bayan Muna Representative Carlos Zarate nang paggamit ng pera na kinolekta ng New People’s Army para bayaran ang pag-aaral ng kanyang anak sa Europa. Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na duda siya kung paano napag-aral ni Zarate ang kanyang anak sa […]
-
PBA balik-aksiyon na sa Araneta
Mga laro : (Araneta Coliseum) 3:00 pm – Meralco vs NLEX 6:00 pm – Magnolia vs TNT ABALA ang TNT sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021-22 Governors Cup elimination round restart bago tulungan ang Gilas Pilipinas sa first window ng 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa buwang ito […]