• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MIKEE, umaming naging gamot ang ‘BTS’ nang dumaan sa matinding krisis dahil sa pandemya

ANG South Korean boy band na BTS ang naging gamot ng Kapuso actress na si Mikee Quintos noong dumaan siya sa isang matinding krisis dahil sa pandemya.

 

 

Kuwwento ng isa sa music artists ng GMA Playlist, nagsimula siyang mag-collect ng BTS mechandise dahil napapagaan nito ang kanyang kalooban. Masaya raw siya tuwing may nabibili siyang anumang merchandise ng BTS, kasama na roon ang isang signature drink na hindi niya binuksan.

 

 

“In the middle of lockdown you have a lot of time to think, nagka-crisis ako. Umabot ako sa point na inisip ko kung gusto ko pang mag-artista. Tapos bumalik yung fire ko, yung drive ko after watching them (BTS), and hearing about them, yung story nila na how they started. It was really hard nung umpisa.

 

 

“And look at them now. Ok if they can do that and they’re still humble so parang what’s wrong with starting again. When I see it in the store I buy it. Kasi napapa-happy ako, support ko ‘to sa kanila. Kikita sila rito kapag bumili ako,” kuwento ni Mikee.

 

 

Kaya muling nabuhayan daw si Mikee na ipagpatuloy ang kanyang career sa showbiz and at the same time, pinagpapatuloy din niya ang kurso siyang architecture sa University of Santo Tomas.

 

 

Napapanood si Mikee sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento at magsisimula na siyang magsulat at mag-record ng original songs para sa GMA Playlist.

 

 

***

 

 

TIYAK na matutuwa ang mga #TeamBahay na mommies at kids dahil simula August 21 ay mapapanood muli ang edu-tainment show na Makulay ang Buhay kasama sina ‘Mom C’ Camille Prats, Benjie, at Penpen every Saturday at Tuesday mornings sa GMA.

 

 

Hatid ni ‘Mom C’ Camille at ng kanyang kasamang dalawang puppets—si Benjie na isang nine-year-old grade-schooler at ang cute na cute na dog best friend nitong si Penpen—ang umagang siksik sa masasayang music videos, nakaaaliw na kuwento, iba’t ibang games, at other activities na talaga namang mae-enjoy ng parents at kids habang safe na nasa loob ng mga tahanan.

 

 

Tampok din sa Makulay ang Buhay ang engaging na discussion tungkol sa effect ng gadgets, food safety at foodborne diseases. Paano nga ba natin masisigurado na nutri-sarap ang ating inihahandang pagkain para sa ating mga anak?

 

 

Sagot  na ‘yan nina ‘Mom C’ Camille na magbabahagi ng mga pwedeng i-prepare na pagkain gamit ang gulay na pamilyar sa ating lahat!

 

 

Kaya naman, gumising na nang maaga at makisaya kay ‘Mom C’ Camille, Benjie, at Penpen sa Makulay ang Buhay tuwing Sabado, 9:45 a.m., at Martes, 8 a.m., simula August 21 sa GMA Network.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Halos 216,000 na ang naturukan ng COVID-19 vaccine – gov’t

    Umakyat pa sa 215,997 ang kabuuang bilang ng mga naturukan ng COVID-19 vaccine sa buong Pilipinas.     Sa datos na inilabas ng Department of Health at National Task Force Against COVID-19, ito rin ay 38% ng kalahati ng mahigit 1.1-milyong doses na dumating na sa bansa sa kasalukuyan.     Nasa 929 vaccination sites […]

  • Ads September 3, 2020

  • Bagong highly transmissible Omicron XBB subvariant at XBC variant, na-detect na sa PH

    NAKAPAGTALA na ang Pilipinas ng bagong mas nakakahawang Omicron XBB subvariant at XBC variant ayon sa Department of Health (DOH).     Iniulat ng DOH na nasa 81 kaso ng Omicron XBB subvariant ang na-detect mula sa dalawang rehiyon sa bansa.     Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nasa 70 dito ay nakarekober […]