• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mikey Garcia inaayos na ang laban kay Pacquiao

Ibinahagi ni American boxer Mikey Garcia na inaayos na nila ang laban niya kay Manny Pacquiao.

 

 

Sinabi nito na sa mga susunod na mga araw ay malalaman ang ilang detalye ng laban kung saan ito gaganapin.

 

 

Target kasi nila na isagawa ang laban hanggang sa buwan ng Mayo.

 

 

Dagdag pa nito na mula pa noong nakaraang taon ay patuloy ang ginagawang negosasyon para sa nasabing laban.

 

 

Nasasabik na rin ito sa pagharap niya sa fighting senator.

 

 

Huling lumaban ang 33-anyos na boksingero noong Pebrero 2020 ng talunin sa pamamagitan ng unanimous decision si Jessie Vargas.

Other News
  • ADMU suportado ang seniors na gustong mag-pro

    Walang balak ang Ateneo de Manila University na hadlangan ang mga senior players nito na nagnanais pumasok sa professional leagues sa basketball at volleyball.   Ito ang parehong inihayag nina men’s basketball head coach Tab Baldwin at women’s volleyball head coach Oliver Almadro kung saan parehong susuportahan ng dalawa ang sinumang players nito na magpapasyang […]

  • PBA nakahanda sakaling lumala ang kaso ng Omicron sa bansa

    Pinaghahandaan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang posibleng pagdami ng kaso ng Omicron coronavirus variant.     Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na kung anumang ang maging kautusan ng gobyerno na itigil ang mga pagkakaroon ng live audience sa kanilang laro ay kanilang susundin bilang pag-iingat na rin dahil sa mas mabilis na […]

  • NAVOTAS DETAINEES SUMAILALIM SA X-RAY AT COVID TEST

    Nasa 200 na detainees sa Navotas ang sumailalim sa x-ray at swab test para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).   Ayon kay Mayor Toby Tiangco, humingi ng tulong sa Pamahalaang Lungsod ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Navotas para sumailalim sa chest x-ray ang mga detainees bago ang kanilang paglipat sa BJMP quarantine facility […]