MINIMUM WAGE SA CALABARZON
- Published on September 9, 2023
- by @peoplesbalita
ITINAAS na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Calabarzon ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor mula P35 hanggang P50, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes.
Sa board Wage Order No. IVA-20 na may petsang Sept. 1 , ang daily minimum wages sa sumusunod na lugar sa rehiyon — mula P470 hanggang P520 para sa non-agriculture sector; mula P429 hanggang P479 para sa agriculture sector; at mula P350 Hanggang P385 para sa retail at service establishments na naka-empleyo ng hindi lagpas sa 10 manggagawa .
Sinabi ng DOLE na ang wage order ay inaasahan na magbebenepisyo ang 719,704 minimum wage earners sa rehiyon.
Pinagtibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage order noong Setyembre 5. Ito ay ilalathala sa Biyernes at magkakabisa sa Setyembre 24 o 15 araw mula sa pagkakalathala nito.
Samantala, sinabi ng DOLE na ang mga manggagawa sa agriculture sector sa lungsod ng Calaca sa Batangas at Carnona sa Cavite ay dapat makatanggap ng dagdag na P89 dahil sa kanilang reclassification mula sa first class municipalities component cities sa bisa ng Republic Act 11544 at 11938.
Ang board ay binubuo ng mga kinatawan mula sa gobyerno ,management at labor sectors , na nagsagawa ng serye ng public hearings noong Agosto 7 sa Batangas , Agosto 9 sa Cavite at Agosto 11 sa Laguna, at wage deliberation noong Agosto 16,18,23 at Sept.1,2023.
Hindi naman saklaw ng minimum wage law ayon sa Republic Act No.9178 [2022] ang Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) .
Para sa mga aplikasyon ng exemption at karagdagang paglilinaw sa wage order, maaari ding maabot ang RTWPB sa pamamagitan ng email address nito na rb4a@produktiboatsahod.onmicrosoft.com
Ang huling wage order para sa mga manggagawa sa mga pribadong establisyimento sa rehiyon ay inilabas noong Mayo 30, 2022 at nagkabisa noong Hunyo 30, 2022.
Nakatakda ring magsagawa ng pampublikong pagdinig ang RTWPB-Region V sa Legazpi City sa unang bahagi ng susunod na buwan para sa panukalang pagsasaayos ng suweldo sa rehiyon.
Isinasagawa ang pagdinig upang payagan ang lahat ng stakeholder na maaapektuhan ng pagsasaayos ng sahod na makilahok.
Bago ang public hearing, sinabi ng RTWPB – Region V na magsasagawa rin ito ng ilang wage consultations sa iba’t ibang bahagi ng Bicol.
Kabilang rito ang Villa Isabel Hotel, Sorsogon City (Sept. 11), Freshco Beach Resort, Masbate City (Sept. 22), Lotus Blu Hotel, Naga City, Camarines Sur (Sept. 26), at Wiltan Hotel, Daet, Camarines Norte (Sept. 27).
Ang huling wage order na inilabas ng Bicol wage board, na nagbigay ng P33 salary increase, ay nagkabisa noong Hunyo 2022.
Ang Wage Order No. V-20 ay nagdala ng pang-araw-araw na minimum wage rate sa Bicol Region sa P365.GENE ADSUARA
-
Pelicans star Williamson umalis sa “Bubble”
Nilisan ni New Orleans Pelicans rookie Zion Williamson ang “Bubble” sa Walt Disney sa Orlando, Florida upang umano’y tugunan ang problemang medical ng kanyang pamilya. Ayon sa ulat, suportado ni Pelicans executive vice president of basketball David Griffin ang ginagawang pag-alis ni Williamson sa Orlando upang makasama ang kanyang pamilya. “Tama lamang na […]
-
Tiyak na magmamarka rin sa kanilang pelikula: DIMPLES, sobrang taas ng respeto kina JAKE at SEAN
GIVEN na ‘yung eksena sa pagitan nina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa 2020 MMFF entry na “My Father, Myself” na magmamarka sa trailer. Pero sigurado kaming hindi rin pwedeng hindi magmarka ‘yung scene ni Dimples Romana at ‘yung binitawan niyang linya. Sabi namin sa kanya, isa siya sa kilalang mahusay at trusted actress […]
-
Ipinagdiinang ‘di pumapatol sa ‘one night stand’: KELVIN, mas gustong ginagastos ang pera na pinaghirapan niya
PINABULAANAN ni Kelvin Miranda na hindi siya ang tinutukoy sa blind item ng direktor na si Darryl Yap tungkol sa isang aktor na na-“booking” umano ng international singer na si Sam Smith. Sa naturang blind, nai-book daw ni Sam Smith ang isang aktor sa halagang P1 milyon kada gabi. “Ang dami […]