Mister na wanted sa multiple heinous crimes sa Valenzuela, tiklo
- Published on December 21, 2024
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa selda ang isang lalaki na wanted sa multiple heinous crimes matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Paso De Blas ang 40-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person sa lungsod.
Bumuo ng team ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police, kasama ang Northern NCR Maritime Police Station saka ikinasa ang joint operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-10:40 ng umaga sa Bonifacio Compound, Paso De Blas.
Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, noong December 13, 2024, para sa kasong Statutory Rape under Article 266-A, paragraph 1(D) of the Revised Penal Code (RPC), as amended by R.A. 11648 in relation to Section 5(b) of R.A. 7610, at Acts of Lasciviousness (4 counts) na walang inirekomendang piyansa.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang walang sawang pagsisikap ng Valenzuela police at ng mga opisyal na sangkot sa operasyon.
“The NPD remains committed to fostering safer neighborhoods in the CAMANAVA area. Guided by the principles of transparency, professionalism, and public trust, we will continue our relentless campaign to maintain peace and order,” pahayag niya.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
(Richard Mesa)
-
House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong
SA HANGARING mabawasan o mapigilan na ang anumang “firecracker-related injuries,” nais ng isang mambabatas ang tuluyang pagbabawal o total ban sa bentahan, distribusyon at paggamit ng mga “firecracker” o paputok at iba pang pyrotechnic devices. Sa House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong ni House Committee on Local Government Chairman at […]
-
DOTr: Mamadaliin ang pamimigay ng P2.5 B fuel subsidy sa mga tricycle drivers
NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ni Secretary Jaime Bautista na sa lalong panahon ay maibigay ang P2.5 billion na fuel subsidy sa mga libo-libong tricycle drivers sa buong bansa. Naganap ang pangako matapos ang matinding pagpapalitan ng debate sa nakaraang confirmation ni DOTr Secretary Bautista sa Commission on Appointments (CA). […]
-
OLYMPICS HOSTING, TABLADO NA SA MGA HAPONES
MATAPOS ang patuloy na paglaganap sa iba’t ibang panig ng bansa sa mundo ng kinatatakutang corona virus, naging hati ang reaksyon ng mga residente sa Japan kaugnay sa hosting ng kanilang bansa para sa 2020 Tokyo Olympics. Ayon sa ulat, patuloy sa pag-ani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga mamamayan ng Japan ang […]