MIYEMBRO NG BANUNG DRUG GROUP, ARESTADO
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO ng Manila Police District (MPD)-Police Station 6 ang isang miyembro ng Banung Drug Group sa isinagawang buy bust operation, kamakalawa sa may panulukan ng Pasig Line St., at A. Francisco St., Brgy. 777 Zone 83, San Andres Bukid Maynila.
Narekober ng mga pulis sa suspek na si Hans Kerwin Pama, alyas Kerwang, ang may 12 gramo ng shabu na may market value na P81,600,marked money na P500.
Ang suspek ay naaresto nina PCpl Mark Dave Blanco dakong alas-2:00 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.
Nabatid na matagal na umanong minamanmanan ng pulisya ang iligal na gawain ng suspek.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 and 11 (Selling and Possession of Dangerous Drugs) ng Article II of RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutors ang suspek. (GENE ADSUARA)
-
Estudyante sa public schools, ‘di required mag-uniporme sa pasukan
NILINAW kahapon ni Vice President Sara Duterte, na siya ring kalihim ng Department of Education (DepEd), na hindi required ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan na magsuot ng uniporme sa nalalapit na pasukan. Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na hindi na dapat madagdag pa ang gastusin sa pagbili ng uniporme sa […]
-
“CREED III” SHARES IMAX BEHIND-THE-SCENES FIRST LOOK
MICHAEL B. Jordan invites you to an exclusive look at the making of “Creed III” – the first sports movie to be shot on IMAX cameras. In the newly released featurette, learn more about bringing the next chapter of Adonis Creed’s story to the big screen and experience the film to cinemas and […]
-
State visit ni PBBM, wala pang iskedyul- Malakanyang
HANGGANG ngayon ay wala pang ipinalalabas na iskedyul ang Office of President (OP) hinggil sa state visit ngayong taon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang katuwiran Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz, prayoridad ni Pangulong Marcos ang isapinal ang listahan ng mga miyembro ng kanyang gabinete. “The President […]