• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MIYEMBRO NG “ONIE DRUG GROUP” 2 PA, TIMBOG SA P816-K SHABU

TATLONG drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Onie Drug Group” ang nasakote ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ang naarestong mga susek na si Alfredo Boyose, 52, watchlisted, member ng “Onie Drug Group”, Rodrigo Diana, 42, (Watchlisted), at Joseph Sison, 52, vendor.

 

Sa tinanggap na report ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Eforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Giovanni Hycenth Cakiao ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Block 31, Lot 15, Phase 3 F-1, Sabalo St. corner Langaray St., Dagat- dagatan, Brgy 14, Caloocan City.

 

Isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang maka-order sa mga suspek ng P12,000 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Aabot sa 120 gramo ng shabu na tinatayang nasa P816,000 ang halaga, 1 pc tunay na P1,000 na nakabugkos sa 11 pcs P1,000 boodle/buy-bust money, cellphone, at weighing scale ang nakumpiska sa mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • IATF, hangad na iklian ang isolation period para sa mga fully vaccinated health workers

    HANGAD ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na iklian ang isolation period para sa mga fully vaccinated health workers ng limang araw.     Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na itinalaga ng IATF ang Department of Health na mag- produce o gumawa ng specific […]

  • 2 bebot arestado sa shabu sa Caloocan at Navotas

    Bagsak sa kulungan ang dalawang babae, kabilang ang katulong ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Navotas cities.   Kinilala ni DDEU chief P/Major Ramon Aquiatan Jr. ang suspek na si Jeremiah Dimia, 33 ng 122 Guido 2 St. Maypajo Brgy. 33, Caloocan city.   […]

  • Mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics, SEA Games ipinapasama sa COVID-19 vaccination program

    Hinihimok ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang pamahalaan na isama sa mga prayoridad sa COVID-19 vaccination program ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ang mungkahi na ito ni Romero ay nakapaloob sa inihain niyang House Resolution No. 1507, kung saan nananawagan […]