MIYEMBRO NG PAMILYA, DAPAT MAY KASANAYAN SA FIRE SAFETY DRILLS
- Published on February 28, 2023
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN ang publiko ng Bureau of Fire Production (BFP) na magsanay bawat miyembro ng pamilya ng fire safety drills and procedures upang maging ligtas sakaling magkaroon ng sunog.
Sinabi ni Supt.Gerald Venezuela, hepe ng BFP Regional Fire Safety Enforcement Division,l sa Balitaan sa Tinapayan na dapat may kaalaman ang mga kasama sa bahay ang mga paraan para maiwasan ang sunog at mga gagawin sakaling may insidente.
Ayon pa kay Venezuela na dapat umanong maayos ang mga gamit sa bahay tulad ng electronic devices pati ang mga saksakan habang ang LPG naman o mga gamit panluto ay dapat nakapatay kung hindi gagamitin.
Maging ang mga susi sa mga lock ng bintana, pinto, gate at mga padlocks ay dapat na nasa isang lugar lamang at may mga nakalagay na label upang madaling makalabas sakaling may insidente ng sunog.
Sinabi pa ni Venezuela na mas magiging ligtas ang sarili sa halip na mga gamit sa bahay at siguraduhin na may mga fire exit.
Sa datos ng BFP mula Enero hanggang sa kasalukuyan, nasa 431 ang naitala nilang insidente ng sunog.
Sa nasabing bilang, 223 ang structural na kinabibilangan ng buildings at bahay habang 185 ang non-structural
Aniya, sa naitalang insidente ng sunog, 13 ang nasawi na pawang mga sibilyan at 59 ang nasugatan.
Ang naging pahayag ni Venezuela ay kaugnay na rin sa nalalapit na Fire Prevention Month sa darating na Marso. GENE ADSUARA
-
Takot sa COVID-19: Panagbenga 2020, tuluyan nang kinansela
TULUYAN nang kinansela ang Panagbenga flower festival sa siyudad ng Baguio sa gitna ng takot sa COVID-19, ayon sa anunsyo ni Mayor Benjamin Magalong kahapon (Lunes). Ani Magalong, ito ang nagpadesisyunan ng Baguio City Interagency Task Force on COVID-19, kasunod ng rekomendasyon na ginawa ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. Suspendido na rin ang […]
-
Lumalalang health care utilization sa labas ng NCR plus
HANGGANG ngayon ay wala pa namang nakikita ang Malakanyang na konklusyong apektado na rin ang health care utilization sa labas ng NCR plus. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy ang ginagawa nilang pagbabantay nila sa mga datos at wala pa naman sa gayung estado ang iba pang rehiyon ng bansa. Ang paglobo […]
-
Pagpupulong sa flood control at navigational gate
NAGSAGAWA ng pagpupulong ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco, kasama ang Philippine Coast Guard, Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga may-ari ng mga barkong bumangga sa coastal dike ng lungsod noong mga nakaraang mga bagyo. […]