• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Miyembro ng sindikato ng gun running arestado sa buy-bust sa Pasay

HINDI na nakapalag ang isang sinasabing miyembro ng isang gun running syndicate nang arestuhin siya ng mga pulis sa parking lot ng Mall of Asia sa Pasay City.

 

Kinilala ang suspek na si Wilson Kho Bolante, 39 anyos at residente ng Garden Villas sa Sta. Rosa City, Laguna.
Sa ulat, naaresto si Bolante sa pagpapatupad ng Oplan Paglalansag Omega at Oplan Salikop ng pinagsanib na puwersa ng CIDG, Special Action Force at Regional Intelligence Unit alas 9:50 Huwebes ng gabi.

 

Kabilang sa mga nakuha sa suspek ang dalawang M4 rifles at isang PNP athletic shirt.

 

Base sa intelligence report, miyembro ng Nido Group si Bolante at ang kanyang grupo ay ilegal na nagbebenta ng mga baril.

 

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearm and Ammunition Act.

Other News
  • Tambalang Lacson-Sotto, welcome sa Malakanyang

    OKAY sa Malakanyang kung tuloy na nga ang tambalang Panfilo “Ping” Lacson at Vicente “Tito” Sotto III sa 2022 presidential election.   Sa katunayan, nagpaabot pa si Presidential Spokesperson Harry Roque ng pagbati sa nasabing tambalan.   “We wish them the very best because in a democracy, kinakailangan mayroong pagpipilian ang taumbayan,” ayon kay Sec. […]

  • National athletes komportable sa ‘Calambubble’

    Komportable at walang anumang problema ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa loob ng ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.     Dalawang linggo matapos pumasok sa ‘bubble’ training ay nasasanay na ang mga national boxers, taek­wondo jins at karatekas sa kanilang bagong kapaligiran.     “It’s great here po,” […]

  • SYLVIA, nangingibabaw ang pag-arte kaya kinatutuwaan ng netizens bukod kina ANDREA at FRANCINE

    FIRST few episodes pa lang Huwag Kang Mangamba sa pilot week nito na nagsimula noong March 22 ay pinuri na agad ng netizens ang inspirational drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes bilang Mira at Francine Diaz bilang Joy.     Sa pagsisimula pa lang ng serye, kitang-kita na talaga ang kahusayan nina […]