• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM, maaaring bumaba sa Alert Level 3- Abalos

MAAARING lumuwag ang quarantine status sa Kalakhang Maynila matapos ng pilot implementation ng Alert Level 4 kapag ang indikasyon ng Covid 19 ay nagpakita ng “improvement”.

 

Umaasa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na magiging mas maayos ang situwasyon sa Kalakhang Maynila sa pangalawang linggo ng implementasyon ng Alert Level 4, na nakatakdang matapos sa Setyembre 30.

 

Ang 5-tier new virus response strategy ay ikinasa sa virus hotspot capital region at sinamahan pa ng granular lockdowns sa infection clusters, sa halip na i-lockdown ang buong lungsod o mga rehiyon.

 

“’Yung reproduction rate, ito mismo galing sa OCTA, from a high of 1.90 nung August 8, bumaba nun Sept. 4 ng 1.39, 1.03 nung Sept 22. Nakikita natin ‘yung pababa po nito. Maski ‘yung growth rate ng 1 week nag-negative na nga rin kaya maganda po ang indikasyon.

 

Sana po by the end of the one week pa mag-alert level 3 na po ang Metro Manila,” ayon kay Abalos.

 

Araw ng Biyernes nang ipalabas ng Malakanyan ang inamiyendahang guidelines sa pilot implementation ng Alert Level 4 sa Kalakhang Maynila.

 

MAy ilang amendments ang magti-take effect simula Oktubre 1 kung dapat na ang Metro Manila ay manatili sa ilalim ng Alert Level 4.

 

“Ang nangyari po ngayon apat lang halos na negosyo ang bukas. Ang restaurants natin na may 10 percent sa loob at 30 percent sa outdoor, ating mga barberya, hair spa, nail salon at saka simbahan. Kung mag-a-alert level 3, halos lahat po 30 percent na ng capacity. Madadagdagan pa ang ating negosyo,” an pahayag ni Abalos.

 

Sinabi pa ng MMDA chief na mahirap na i-calibrate ang kalusugan at ang ekonomiya.

 

“Sa basehan na nakikita natin ngayon, sana naman, tingin ko kaya na nating mag-alert level 3 by the end of the week. ‘Yun ang pinagtatrabahuhan natin lahat ngayon,” aniya pa rin.

 

Samantala, naniniwala naman si Abalos na ang pagpapahusay sa COVID-19 indicators ay hindi lamang sa kung ano ang epekto ng granular lockdowns sa iba’t ibang lugar kundi resulta ng nagdaang implementasyon ng stricter quarantine measures at mas maraming taong nabakunahan laban sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Torralba nakipagbuno na sa ilang manlalaro ng NBA

    MATINDING kompetisyon na rin ang natikman ni Joshua Torralba sa United States  of America kung saan naging trainer siya para sa Rio Grande Valley Vipers team na kumakampanya sa National Basketball Associatin (NBA) G League.     Ipinahayag kamakalawa ng 26-anyos, may taas na 6-2 swingman, na naranasan na niyang makaharap sa hardcourt ang ilang […]

  • Ads November 9, 2023

  • Marcial ingat na magkasakit

    DESIDIDONG makasungkit ni Eumir Felix Marcial ng unang ng gold medal ng Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sanhi ng pandemya.     Kaya triple ang pag-iingat niyang ginagawa upang mapanatiling mabuti ang kalusugan at hindi maudlot ang paghahanda sa nasabing pinakamalaking paligsahan […]