MMDA naghigpit sa mga distracted drivers
- Published on September 25, 2020
- by @peoplesbalita
TUTULUNGAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang police authorities sa pagpapatupad ng batas laban sa drunk and distracted driving.
Sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia na ang kanilang ahensya ay nagsanib sa Philippine Nation Police Highway Group (PNP) at Land Transportation Office (LTO) “in a one time, big time operation” laban sa mga errant drivers.
“Hopefully, this become a lesson for our motorists that the government is serious in enforcing the laws. We will revoked the licenses of those errant drivers,”
Noong nakaraan operasyon, ang MMDA ay nakahuli ng 90 trucks dahil sa overloading. Samantalang apat (4) na drivers naman ang nahuli dahil sa seatbelt violations at tatlo (3) motorista ang positive sa drugs.
Ayon kay Nebrija, ang MMDA ay sasama sa mga authorities para sa pagpapatupad ng batas laban sa drunk at distracted driving.
Ang distracted at drunk driving ay nanatiling siyang major factor sa mga road crashes sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Samantalang, 10 buses naman ang involved sa aksidente sa kabuohang 100 concrete barrier-related na aksidente sa kahabaan ng EDSA. Ang iba naman ay mga private vehicles.
“MMDA is planning to replicate the dedicated lane for bicycles and motorcycles launched by San Juan Mayor Francis Zamora. The MMDA will help the national government in connecting the dedicated bike lanes in Metro Manila,” dagdag ni Garcia.
Ang MMDA ay nakakakuha ng 90 averagae call kada araw at tumulong sa 3,200 na mga motorista sa One Hosptial Command Center na siyang nakikipagugnayan sa hospitals at iba pang treatment facilities. (LASACMAR)
-
Nanguna sa Top 15 Headshot Challenge ng ‘MUP 2021’: KISSES, kinabog sina MAUREEN at iba pang beteranang kontesera
KINABOG ni Kirsten Danielle ‘Kisses’ Delavin sina Maureen Wroblewitz at iba pang kontesera dahil siya ang nanguna sa Top 15 Headshot Challenge ng Miss Universe Philippines 2021, kaya ganun na lang ang pasasalamat niya sa mga bumoto at sumuporta. Pumangalawa sa kanya si Rousanne Marie Bernos at pangatlo naman si Maureen. Ang iba […]
-
Metro Rail System ilalagay sa Ortigas corridor; ADB magpapautang ng $1B para sa MRT 4
ITATAYO ang Metro Rail System o MRT 4 sa Ortigas corridor na magdudugtong sa Quezon City papuntang probinsiya ng Rizal na bibigyan ng pondo mula sa Asian Development Bank (ADB) na nagkakahalaga ng $1 billion. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay handa nang lumagda sa […]
-
4-door strategy ikakasa ng DOH vs Monkeypox
MAGPAPATUPAD ng “four-door strategy” ang pamahalaan kabilang ang paghihigpit sa mga borders ng bansa para hindi makapasok ang bagong monkeypox virus. “Kasalukuyang 12 bansa na ang may pinakabagong kaso ng monkeypox. Kabilang dito ay siyam na bansa sa Europa pati na rin sa Estados Unidos, Canada at Australia. Dahil dito ang DOH ay […]