MOBILE VACCINATION GUGULONG SA NAVOTAS
- Published on July 12, 2021
- by @peoplesbalita
MALAPIT nang mag-rollout ng mobile vaccination ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas kung saan prayoridad nito ang mga bedridden na residente o ang may mga sakit na hindi makaalis sa kanilang bahay.
“Philippine Red Cross has lent us a vaccination bus that will be used to visit and vaccinate Navoteños who are bedridden or sick and can no longer leave their homes. We will roll out the mobile vaccination as soon as we have completed the mapping of our intended vaccinees,” ani Mayor Toby Tiangco.
“We initially conducted house-to-house vaccination of our bedridden residents at Barangay Tangos North and South. However, we had to put it on hold due to limited staff. Red Cross will send vaccinators to augment our team,” dagdag niya.
Nanawagan si Tiangco sa mga pamilya ng mga nakaratay na residente na makipag-ugnayan sa tanggapan ng kani-kanilang mga barangay.
Bukod sa bus, nakatanggap din ang Navotas ng ambulansya mula sa DOH na tinanggap ito ni Cong. John Rey Tiangco at City Health Officer Christia Padolina mula kay Dr. Philip Patrick Co, Development Management Officer V ng DOH–Metro Manila Center for Health Development (MMCHD).
“We thank the DOH for this donation. This ambulance will be used to transport COVID-19 patients to hospitals or isolation facilities, and to reinforce the emergency response of the city,” ani Cong. JRT. (Richard Mesa)
-
Spider-Man: No Way Home’s First Trailer Spins a Whole New Adventure
SONY Pictures and Marvel Studios have just dropped the first trailer for Spider-Man: No Way Home, the third entry in the two studios’ co-stewardship of the latest cinematic Spider-Man. Tom Holland’s latest solo outing as Spider-Man has given us a glimpse of what to expect, and it seems like Peter Parker’s not quite so happy to […]
-
Walk-in office ng DFA mananatiling sarado hanggang sa katapusan ng Abril
Mananatiling sarado ang walk-in office para sa referrals ng assistance-to-nationals (ATN) cases sa Department of Foreign Affairs (DFA) Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (DFA OUMWA) hanggang Abril 30. Sa isang abiso, inihayag ng DFA ang pansamantalang suspensyon sa kanilang operasyon matapos ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa […]
-
‘Di pagpapalabas sa 10-14 anyos sa MGCQ areas, suportado ng DepEd
Malugod na tinanggap ng Department of Education (DepEd) ang desisyon ni Pangulong. Rodrigo Duterte na bawiin ang planong payagan na ang mga batang 10 hanggang 14-taong gulang na makalabas na ng kanilang tahanan, sa mga lugar na nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ). Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, wala […]