• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Modified coding scheme nakatulong sa pagluluwag ng trapiko

Nakatulong sa pagluluwag ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang muling pagpapatupad ng modified number coding scheme sa National Capital Region (NCR)

 

 

 

Nabawasan ang trapiko sa kalakhang Manila ng muling ilungsad ang number coding scheme sa rush hours mula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

 

 

 

“Based on our observation, the traffic bottlenecks did not last. We saw that from 3 p.m. to 4 p.m., the number-coded plates were already on the roads. I can say that just a bit, we saw a good result from the number coding sheme,” wika ni Neomie Recio ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Engineering Center.

 

 

 

Dagdag pa ni Recio may 51 na mga pribadong motorista ang nahuli at nabigyan ng violation ticket mula sa MMDA.

 

 

 

Ang mga sasakyan na may plates na nagtatapos sa 1 at 2 ay bawal lumabas kung Monday, ang 3 at 4 na plate number ay bawal kung Martes, 5 at 6 naman kung Miyerkules, 7 at 8 sa Huwebes, 9 at 0 kung Biyernes. Ang nasabing number coding scheme ay ipapatupad lamang sa weekdays maliban kung holidays at weekends.

 

 

 

Hindi kasama sa modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ang mga pampublikong sasakyan tulad ng tricycles, transport network vehicle service units, motorcycles, garbage trucks, fuel trucks at mga sasakyan may karga at dalang mga pangunahin at mga nabubulok na mga goods.

 

 

 

Nilagdaan ang isang resolution na nagpapatupad ng UVVRP ng Metro Manila Council na ang chairman ay si MMDA Benhur Abalos at binubuo naman ng mga Metro Manila mayors bilang isa sa mga mitigating measures sa NCR upang maiwasan ang traffic management crisis sa hinaharap.

 

 

 

Sa isang ginawang survey at pagsusuri na ginawa ng MMDA Traffic Engineering Center ay nakitang ang sa kasalukuyan na traffic situation ay malapit na sa pre-pandemic levels.

 

 

 

“Data shows that the travel speed along EDSA is 9.66 kilometers per hour. Hence, we have to reinstate the number coding scheme during the afternoon rush hours to address the problem. We are trying to exhaust all options here,” ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos.

 

 

 

Nakita ni Abalos na ang solusyon sa problema tungkol sa trapiko ay isang efficient traffic management at mass transport system lalo na ngayon na ang mga kapasidad ng mga pampublikong sasakyan ay wala pa sa normal dahil sa pinatutupad na COVID-19 health protocols.

 

 

 

Kasama rin sa ban ang mga light trucks upang mas maging maluwag ang trapiko sa National Capital Region.

 

 

 

Ipatutupad din muli ang uniform light truck ban na may modification. Ang light trucks ay ang mga sasakyan na pang commercial na gamit o kahit hindi man na may gross capacity na 4,500 kilograms o mas mababa pa dito at may anim (6) o higit pa na gulong at may payload area na maaaring bukas o sarado man.

 

 

 

Depende sa UVVRP motor vehicle plate endings, ang mga light trucks ay pinagbabawalan na dumaan sa EDSA sa pagitan ng Magallanes at Makati City at North Avenue, Quezon City sa parehas na northbound at southbound mula sa 5:00 hanggang 9:00 mula Lunes hanggan Biyernes maliban kung holidays.

 

 

 

Ayon sa MMDA, lumalabas sa kanilang datus na may 403,000 na sasakyan na ngayon ang mga nasa lansangan ng Metro Manila kumpara sa 405,00 na sasakyan noong nakaraang January 2020 at kahit pa bago ang pandemya.

 

 

 

“More vehicles are traversing EDSA everyday. We are not yet in December but the way it is going the traffic situation is approaching pre-pandemic levels,” saad ni MMDA Traffic Engineering Center chief Neomie Recio. LASACMAR

Other News
  • PBBM, idineklara ang Oktubre 30 bilang “NATIONAL DAY OF CHARITY”

    IPINALABAS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 598 na nagdedeklara sa Oktubre 30 kada taon bilang “National Day of Charity.”     Ang proklamasyon ang bumubuo ng bahagi ng ‘commitment’ ng administrasyon para i-promote at iangat ang buhay ng bawat Filipino sa “Bagong Pilipinas.”       Sa paglagda sa proklamasyon, tinukoy […]

  • Mayor Sara, ‘most qualified’ maging susunod na Pangulo ng bansa-Sec. Roque

    NANINIWALA si Presidential spokesperson Harry Roque na si Davao City Mayor Sara Duterte ang “most qualified” na tao para humalili sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa Hunyo 2022.   Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sa kabila ng naging pahayag naman ni Pangulong Duterte na hindi tatakbo sa pagka-pangulo […]

  • DOTr, tataasan pa hanggang P260-K ang subsidiya para sa mga modern jeepney

    INIHAYAG  ng Department of Transportation (DOTr) na plano nitong taasan pa ang equity subsidy para sa tsuper ng mga public utility vehicles ng hanggang Php260,000.     Ito ay upang mabigyan sila ng pondo at pagkakataon na makabili ng mga e-jeepney para sa ipapatupad na PUV modernization program ng pamahalaan.     Paliwanag ni DOTr […]