Mojdeh nilangoy ang gold medal sa Finis Swim Series
- Published on March 29, 2022
- by @peoplesbalita
INILATAG ni national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh ang matikas niyang porma para masungkit ang gintong medalya sa girls’ 100-meter breaststroke sa 2022 Finis Short Course Swim Series-Luzon Leg kahapon sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.
Nagrehistro ang 15-anyos na si Mojdeh ng isang minuto at 15.07 segundo para gapiin si Filipino-British Heather White na nagtala ng 1:22.30.
“Nakaisa rin po. Okey naman po basta tuluy-tuloy lang ang ensayo at kompetisyon. Malakas talaga si White (Heather). Bawi na lang po ako next time,” ani Mojdeh na pambato ng Brent International School.
Tuloy rin ang matikas na ratsada ni Hugh Antonio Parto ng Quezon Killerwhale Swim Team na nasungkit ang ikalimang gintong medalya sa torneo.
Pinagharian ni Parto ang boys’ 15-16 50m butterfly sa bilis na 26.54 segundo para pataubin sina Tim Capulong (26.90) at Mikos Trinidad (27.98).
Nakaginto pa si Parto sa 50m freesytle nang magtala siya ng tiyempong 25.48 segundo.
“Masayang masaya po. Iyong target ko na malagpasan iyong personal best ko sa SLP meet, higit pa ang nakuha kong resulta. Nagpapasalamat po ako kay coach Virgil (De Luna) sa paggabay at sa suporta ng mga teammates ko. Siyempre, sa pamilya ka na all-out sa aking career at school,” wika ni Parto.
Wagi rin ng gintong medalya sina Marcus De Kam sa boys’ premier 17-18 50m butterfly (25.55), Ken Lobos sa boys’ 17-18 100m breaststroke (1:04.14), Ruben White sa boys’ 50m freestyle (23.46) at John Neil Paredes sa boys’ 100m IM (59.75).
Nakahirit din ng ginto sina Chelsea Borja sa girls’ 11-12 50m back (37.59), Cassandra Barretto sa girls’ 13 50m back (21.22), Trixie Ortiguerra sa girls’ 15 50-meter back (30.76); Benito De Mesa sa boys’ 7 50m IM (2:12.16) at Mishael Ajido sa boys’ 13 50m IM (1:04.30).
-
Ipagpaliban ang pagtataas sa SSS contribution, pirmado na
PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na naglalayong bigyan siya ng kapangyarihan na ipagpaliban ang pagtataas sa Social Security System (SSS) premium contributions ngayong taon. Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11548 na tinintahan, araw ng Miyerkules, ang pagpapaliban sa pagtataas sa SSS contribution ay magiging epektibo “for the duration of […]
-
PBBM, Cabinet, tinalakay ang pag-upgrade sa workforce skills sa Pinas
TINALAKAY nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at miyembro ng kanyang gabinete ang ilang inisyatiba na mag-upgrade sa worforce skills sa Pilipinas Ang pag-upgrade sa kasanayan ng mga manggagawang Filipino ay bahagi ng agenda ng ninth Cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Marcos sa Malacañan Palace, Martes ng umaga. Sa press briefing, […]
-
Athletes na lalahok sa Tokyo Olympics sana mabakunahan muna – IOC
Target ngayon ng International Olympic Committee (IOC) na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga atletang sasabak sa kompetisyon para matuloy nang ligtas ang Tokyo Games sa darating na Hulyo. Bagama’t ayaw sumingit ng IOC sa listahan nang kung sino ang dapat na maturukan ng COVID-19 vaccines gaya ng mga napapabilang sa vulnerable sector at health […]