• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Morales in, Zagala out bilang Commander ng PSG

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Brig. General Jesus Nelson B. Morales (PAF) bilang  Commander ng Presidential Security Group (PSG).

 

 

Pinalitan ni Morales sa puwesto si  Brig. General Ramon P. Zagala (PA) na nakatakdang umupo para sa kanyang bagong papel bilang  Commander ng Civil Relations Service ng  Armed Forces of the Philippines, ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ni Communication Secretary Cheloy Garafil.

 

 

Si Morales  ay nagsilbi bilang  deputy wing commander ng Tactical Operations Wing Eastern Mindanao ng PAF na nakabase sa Davao City.

 

 

Habang si Zagala  naman ay nagmula sa pamilya na may pamana ng militar, may tatlong henerasyon mula sa kanyang lolo na si  Col. Ramon Zagala, at ama na si  Maj. Gen. Rafael Zagala. (Daris Jose)

Other News
  • Foreigners bawal na sa NCAA; Kobe Paras umalma

     Hindi na umano mababali ang desisyon ng NCAA na ipagbawal ang paglalaro ng mga foreign student-athletes sa lahat ng sports simula sa Season 96.   Ito ang nilinaw ni Management Committee chair Fr. Vic Calvo ng host Letran kaugnay sa nabuong desisyon.   Agad namang bumuhos ang sentimiyento ng publiko sa social media at sinabing napakalupit ng desisyon at hindi […]

  • Publiko binalaan kontra Powerstar malware

    NAKAGAWIAN na ang device linking para sa mga gustong mapadali at mapabilis ang kanilang araw-araw na digital activities.     Gayunman, lumabas ang banta ng Powerstar Backdoor Malware na ine-exploit ang teknolohiyang ito. Mga PC (personal computer) operating system ang target ng malware na ito at ini-infect ang linked mobile phones at tables para ma-phish […]

  • PBBM, nababahala sa posibleng service delays kung babawiin ang prangkisa ng NGCP

    NAGPAHAYAG ng pangamba si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa epekto ng situwasyon ng power supply kung ang prangkisa ng  privately owned National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay mapawawalang-bisa.     Ayon kay Pangulong Marcos,  maaaring mahirapan na makahanap ng kapalit para sa power grid operator, posibleng maging dahilan ng service disruptions.   […]