Mother-in-law na si Sylvia, pinupuri ng mga netizen: MAINE, binigyan ng bonggang bridal shower ng pamilya Atayde
- Published on July 28, 2023
- by @peoplesbalita
IBINAHAGI ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account ang pajama party na inihanda para sa bridal shower ng future daughter-in-law na si Maine Mendoza na ikakasal na sa panganay na anak na si Congressman Arjo Atayde.
Naganap ang party noong Linggo ng gabi, July 23, 2023.
Kasama ang series of photos at video, nilagyan ito ng caption ni Sylvia ng, “Happy to welcome you to our big happy and crazy family.
“Soon!!! Mrs Maine Mendoza Atayde ka na. Cant wait for the Big Day. Love you, my soon to be Daughter in law.
#bridalshower #ataydememdoza
“Happy afternoon!”
Reply naman ng aktres at TV host…
“Aahhhh thank you so much Roco, Campo, and Atayde family for last night (red hot emoji) Had such a wonderful time with everyone. Thank you, tita… future mom!!! Love you (happy face and red hot emoji).”
Ang gaganda naman ng mga mensahe ng netizens, na tuwang-tuwa sa pinost ni Sylvia na kitang-kita rin ang bongga nilang regalo…
“@mainedcm wahhh future MOM. Love it ! U are so loved by your soon better half’s Fam. So lucky. Congrats future Mrs. Nicomaine Dei Mendoza Atayde.”
“Bridal shower pa lang ano pa kaya sa wedding mismo?”
“Having a mother in law that loves you as much as this is a blessing. You already know that settling down with the man that you love will always be light and easy!”
“Awww napaka swerte ni Maine sa mother in law niya mahal na mahal siya.”
“Very ideal ang pagpapakasal nila arjo and maine. Napaka ganda ng proseso ng simula nila.”
“Sarap lng magkaron ng ganyang mother in law.”
“Congrat’s and Best wishes, GodBless to your coming weeding Maine. Love ka namin Mainer’s all over the world.”
“So lucky this girl Maine maraming ang nag mamahal sa kanya. Ano ganap kaya sa wedding nila for sure big celebration yan. Aling ibyang baka naman…. kahit ilang picture sa wedding masilip man lang namin. Hahahahaha luv you @sylviasanchez_a.”
Hindi naman nakarating ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde sa bridal shower ni Maine, dahil nasa London pa ito at kararating pa lang ng ‘Pinas.
Sa kanyang IG story, nagbigay naman siya ng message sa kanyang future sister-in-law…
“Sad to have missed this but happy everyone had a great time (heart emoji) Welcome to the family, @mainedcm”
Ilang pa sa komento ng netizens:
“Ang lucky nina Maine and Zanjo to have a future mother-in-law na mabait at mapagmahal na tulad ni @sylviasanchez_a I admire her so much.”
“Sana next year c ria nman at zanjo, dhil super gustong gusto ko cla.”
Magaganap na nga ang ‘big day’ at abangan na lang natin ang mga ipo-post nila sa kaganapan ng kasal nin Arjo at Maine, sa mga darating na araw.
Best wishes Mr. and Mrs. Arjo Atayde!
(ROHN ROMULO)
-
PDu30, saludo sa mga nago-operate ng community pantries
SALUDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga indibidwal na nago-operate ng community pantries subalit binigyang diin ang mahigpit na pagsunod sa COVID-19 safety measures habang isinasagawa ang aktibidad. Noong nakaraang Abril, may ilang community pantries ang itinayo para magbigay ng basic goods sa mga nakikipagpambuno sa pandemiya. Iginiit ni Pangulong Duterte na […]
-
1.3-M na 4Ps beneficiaries, inalis na sa listahan – DSWD
NAGLAHAD ng kanyang presentation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Social Welfare Sec. Erwin Tulfo sa ginanap na cabinet meeting sa Malacanang hinggil sa ipinatutupad na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na sa report ni Tulfo sa Pangulo, tinatayang 1.3 milyong benepisyaryo ng 4Ps […]
-
Mas malakas na ‘international legal frameworks’, kailangan sa pagtugon sa kalamidad, sakuna -PBBM
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mas malakas na ‘international legal framework’ na magsisilbi bilang gabay para sa disaster response measures. ”We must advocate for stronger international legal frameworks that guide disaster prevention and response. The Philippines is proud to lead the initiative toward developing an international legal instrument for the Protection […]