• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motion for reconsideration balak ihain ng ilang petitioners kasunod nang desisyon ng SC vs Anti-Terror Law

Aapela ang ilang mga petitioners kontra sa Anti-Terror Act (ATA) kasunod ng naging pasya ng Korte Suprema na pagtibayin ang naturang batas habang ideklarang unconstituional naman ang ilan sa mga probisyon nito.

 

 

Ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, maghahain sila ng motion for reconsideration sa ruling ng Supreme Court sa mga probisyon na nagpapalawig sa period of detention, sa kapangyarihang hawak ng Anti-Terrorism Council, at sa incommunicado house arrest.

 

 

Sa kabila kasi nang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang Section 4 at Paragraph 2 ng Section 25 ng ATA, sinabi ni Colmenares na “very devastating” pa rin sa human rights sa bansa ang pagkakaroon ng nasabing batas mismo.

 

 

Naniniwala naman si Atty. Howard Calleja na hindi lamang dalawang bahagi ng batas ang dapat na idineklarang unconstitutional kundi mas marami pang probisyon dapat.

 

 

Ang mga ito ay kanilang hahamunin, pero sa ngayon mas mainam aniya na hintayin lamang din muna nila ang main ruling ng SC pati na rin ang iba pang mga opinyon ukol dito. (Daris Jose)

Other News
  • May M.U. na sila ni Ysabel: MIGUEL, inaming naging sila ni BARBIE at ‘di maganda ang break-up nila ni BIANCA

    MARAMING naging rebelasyon ang Sparkle actor na si Miguel Tanfelix sa pagsalang niya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’ Tinanong ang bida ng ‘Voltes V: Legacy’ tungkol sa mga Kapuso actresses na na-link sa kanya. Unang tinanong sa kanya ay si Barbie Forteza. Inamin ni Miguel na niligawan at naging sila ni Barbie. “Pino-post ko […]

  • Ngayong balik-taping na si Dingdong: MARIAN, tuloy na rin at kailangang ipaliliwanag kina ZIA at SIXTO

    SEXY preggy ang sabi ng mga viewers ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Kris Bernal.       Five months preggy na nga ang actress pero hindi pa masyadong halata ang kanyang tummy.     Natanong muna ni Boy si Kris sa pagsisimula niyang mag-artista, na love team lang ba sila ni Aljur Abrenica, dahil […]

  • PDu30, niresbakan si VP Leni Robredo

    NIRESBAKAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko na nagsabing may magagawa pa ang pamahalaan sa kampanya laban sa coronavirus disease or COVID-19.   Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay tugon na rin sa sinabi ni  Vice President Leni Robredo na ang gobyerno ay hindi handa para harapin ang COVID-19 nang magsimula na ang […]