• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motorcycle experts, ikinababahala ang prototype design

Posible umanong makaapekto ang protective shield na nakalagay sa inilabas na prototype design ng Ainter-Angency Task Force (IATF) para sa mga motorsiklong papayagan mag-angkas simula noong Biyernes, July 10.

 

Ayon sa ilang eksperto sa motorsiklo. lubha raw kasing delikado ang protective shield na ito para sa aerodynamics ng motorsiklo lalo na kapag malakas ang hangin. May tsansa raw kasi na itulak ng hangin ang motor at mararamdaman din umano ng driver na pumapalag ito dahil pipigilan ng protective shield ang maayos na pagdaloy ng hangin.

 

Nagpahayag naman ng pagtutol ang Motorcycle Philippines Federation sa protective barrier na ilalagay sa gitna ng rider at driver para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

 

Sinabi ni Director for Administration ngMotorcycle Philippines Federation Atoy Sta. Cruz na posible pa umano itong maging dahilan na maaksidente ang magka-angkas.

 

Aniya sapat na raw ang pagsusuot ng facemask, faceshield at full face helmet sa kadahalinang mag-asawa naman ang nakasakay sa motorsiklo.

 

Hiniling din ng grupo kay DILG Sec. Eduardo Ano na obligahin ang lahat ng mag-asawa o live-in partner na kumuha ng ID o certification na magpapatunay na nakatira sila sa iisang bahay upang mapabilis ang gagawing checkpoint. (Daris Jose)

Other News
  • SANYA, balitang papalitan na ni ANDREA bilang leading lady ni BONG; book two ng ‘First Yaya’ hinahanda na

    NAPANSIN ba ninyo ang isang guy in blue na tumakbong lumapit at mahigpit na yumakap sa first Olympic Gold Medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz?      Walang iba kundi ang kanyang boyfriend of three years at strength and conditioning coach na si Julius Irvin Naranjo, a Filipino-Japanese weightlifter at the Asian Indoor and […]

  • COVID-19 testing backlogs sa PH, naipababa sa halos 1,700 – DOH

    Masayang ibinalita ng Department of Health na naibaba na nila kasama ang iba pang accredited na COVID-19 laboratories ang testing backlogs sa mas mababa sa 2,000 sa kabila ng mga problemang kinahaharap.   “So we have a total of about 1,691 backlogs as of 6 p.m. yesterday,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual […]

  • Pinas, nakatanggap ng mahigit na 9K inbound tourists simula ng muling magbukas ang borders ng bansa- DOT

    NANANATILING kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na mas tataas pa ang tourist arrivals kasunod ng muling pagbubukas ng borders ng bansa noong nakaraang linggo.     “As of February 14,” ang actual inbound tourist arrivals mula sa visa-free countries ay umabot sa 9,283.     Ipinakita rin sa data ng DOT na sa nasabing […]