• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Movie nina ALDEN at BEA, magso-shoot na at balitang nahihirapan na maghanap ng location

BUSY at back to work na muli si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, matapos mai-showing sa GMA-7, ang very successful at nag-trending na number 1 sa Twitter ang  Alden’s Reality, A TV Special. 

 

Last Thursday,  January 21, absent si Alden sa noontime show nilang Eat Bulaga, dahil may digital shoot siya ng nag-renew niyang wine commercial.

 

Ngayon ay naghahanda na rin si Alden sa pagbabalik ng reality kiddie singing competition ng GMA Network na Centerstage na hinahanap nila ang mananalong Bida Kid. Si Alden ang host nito with Kapuso comedian Betong Sumaya at mga judges naman sina Soul Diva Aicelle Santos-Zambrano, musical director Maestro Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez.

 

Ayon sa teaser ng programa, nakatakdang ibalik ang Centerstage next month sa GMA-7.  Hindi pa nila sinabi kung ilang weeks na lamang mapapanood ang show bago ang grand finals nito.

 

 

Samantala, sa February rin daw ang simula ng shooting ng new team up nina Alden at Bea Alonzo ng A Moment to Remember na co-production venture ng Viva Films at GMA Pictures.

 

 

Totoo kayang nahihirapan silang maghanap ng location para sa lock-in shooting nila ng movie na ididirek ni Ruel Nuval?

 

***

 

AS we go to press, wala pa kaming detalye ng kasal nina Kapuso actor Rocco Nacino at fiancée niyang si Melissa Gohing. 

 

Ito lamang ang Instagram post ni Rocco, 2hours ago last January 22.  “Yes… we… did.. 21-2-21 (January 21, 2021) Meet my wife, Mrs. Melissa Gohing-Nacino.”

 

Ipinakita nina Rocco at Melissa ang kanilang suot na wedding ring, naka-wedding gown si Melissa at mukhang white uniform ng Philippine Navy ang suot ni Rocco dahil isa siyang Philippine Navy Reservist.

 

So, congratulations and best wishes to the newlyweds, Rocco and Melissa!

 

***

 

KUNG masasabing biglaan ang wedding nina Rocco Nacino at Melissa Gohing, ang dating katambal ni Rocco at aktres na si Kris Bernal ay naghahanda na ng kanilang kasal ni Chef Perry Choi, kahit sabi niya ay next year pa ang wedding nila.

 

Nag-post na si Kris sa paghahanda nila sa kasal.

 

“Wedding Suppliers Checklist.  Since you are part of my life and you are part of my journey, I’ll share with you one of my most anticipated lifetime event preparations: My wedding with Perry.  Here’s the very first day of our meetingwith our events coordinator, @kathrynkimtorres @kimtorresevents. Please recommend suppliers for us! Thank you.”

 

Dapat ay ngayong 2021 magpapakasal sina Kris at Perry, habang ipinatatayo na nila ang bago nilang bahay, pero dahil sa umiiral na pandemic, hindi muna nila itinuloy, dahil sabi nga ni Kris, mahirap dahil sa health protocols na dapat sundin.

 

Sa ngayon ay wala pa rin namang exact date ang wedding nina Kris at Perry, pero tuloy ang construction ng bago nilang bahay. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • PBBM, hindi mag-aatubiling i-ban ang PIGO’s kung matutuklasan na magiging sanhi ng kahalintulad na problema dala ng POGOs

    HINDI MAG-AATUBILI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipag-utos ang ‘total ban’ sa Philippine inland gaming operators (PIGOs) kung matutuklasan na magiging sanhi ng kahalintulad na problema ang dahilan ng pagsasara ng Philippine offshore gaming operators (POGOs). Tiniyak ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa publiko na mahigpit na nakamonitor […]

  • Travel ban sa Singapore, posibleng isama dahil sa COVID-19

    PINAG-AARALAN na ng Department of Health (DOH) kung isasama na rin ang Singapore sa travel ban dahil sa banta ng 2019 coronavirus disease o COVID-19.   Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, na imakiki-pagpulong siya sa inter-agency task force at ipiprisinta niya ang risk assessment upang matukoy kung napapanahon na bang isama na rin […]

  • Foreign aid, bumuhos para sa ‘Kristine’-hit PH

    NAKATAKDANG tumanggap ang Pilipinas ng multi-bIlyong halaga ng international aid mula sa European Union (EU), United Arab Emirates, at Taiwan bilang tugon sa pagkawasak na iniwan ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami).   Sinabi ng EU na inaprubahan nito 1.5 million euros (P94 million) na humanitarian aid para tulungan ang pinaka-apektadong populasyon lalo […]