MRT-3 rehab matatapos na sa Disyembre 2021
- Published on March 9, 2021
- by @peoplesbalita
Magtatapos na sa Disyembre 2021 ang isinasagawang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kaya’t asahan na umano ang mas marami pang operational trains at mas mabilis na turnaround time ng rail line.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dahil sa rehabilitation project ay dumami ang bilang ng mga operational trains ng MRT-3.
Mula sa dating 10-15 operational trains noong Mayo 2019, ay naging 23 na ito simula Enero, 2021.
Anang DOTr, malaking tulong ang pagdami ng mga bumibiyaheng tren upang madagdagan ang mga pasaherong naisasakay ng MRT-3 kahit pa limitado ang kapasidad nito dahil sa umiiral na health protocols laban sa COVID-19.
Samantala, nadagdagan din ang operating speed ng mga tren ng MRT-3 na aabot na ng hanggang 60kph pagsapit ng Disyembre 2020 sanhi upang mabawasan ang headway o waiting time ng mga pasahero ng apat na minuto hanggang 3.5 minuto mula sa dating 8-9.5 minuto. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
2% fare commission na kinakaltas ng Grab sa TNVS drivers, walang alam ang LTFRB
WALA umanong alam ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa itinaas na 2 percent fare commission na kinakaltas ng Grab sa mga TNVS drivers na nasa APP ng naturang kumpanya. Ang itinaas na komisyon ng Grab na kinakaltas sa kita ng TNVS drivers ay sinimulan ng kumpanya noong December 1 ngayong taon. […]
-
NAITALANG KASO NG COVID SA EVACUATION CENTER, INAGAPAN
NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Health o DOH sa lokal na pamahalaan ng Marikina kaugnay sa naitalang kaso ng COVID-19 sa isang evacuation center doon. Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire sa kanyang virtual media forum, agad namang kumilos ang local health safety officer at dinala sa ospital ang evacuee kung saan siya nasuri matapos siyang […]
-
President Duterte unveiled new train sets ng MRT 7
Pinanguhan ni President Rodrigo Durterte noong nakaraang Huwebes ang unveiling ng mga bagong train sets para sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) na magbubukas sa huling quarter ng 2022. Ang bagong MRT 7 ay isang world-class na transportasyon at inaasahang makakatulong upang maging mas productive ang mga mangangawa at […]