Muhammad in, Johnson out
- Published on February 24, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG palitan si Orlando Johnson ni Shabazz Muhammad bilang import San Miguel Beer sa 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup elimination round.
Martes dumating ng ‘Pinas ang first round pick ng Utah Jazz sa 2013 National Basketball Association Draft na nakapaglaro rin sa Milwaukee Bucks.
Dalawang sabak pa lang si Johnson sa Beermen na tumilapon sa TNT 96-81 noong Pebrero 16, pero rumesbak siya sa pinaglarun niya noong 2015 kontra Barangay Ginebra San Miguel 110-102 nitong Linggo.
Pasabog siya laban sa dating team ng 31 points mula 12 of 19 shooting. May 10 rebounds at 8 assists pa.
Pambawi sa 3 of 22 lang niya kontra Tropang Giga kung saan may 12 markers, 5 boards at 2 feeds lang si OJ.
Sunod na asignatura ng SMB (4-3) ang Phoenix Super LPG (4-3) sa Ynares Center sa Antipolo sa Miyerkoles, Peb. 24. Malamang na ito ang last game ni OJ bago sumalang sa next game si Muhammad. (REC)
-
LALAKI ARESTADO SA PAGNANAKAW SA CALOOCAN
Arestado ang isang lalaki na nagawang pasukin ang isang saradong bangko para magnakaw sa pamamagitan ng pagsira ng glass panel nito sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, nagawang matunton at maaresto ng mga tauhan ng Grace Park Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni P/SSgt. Herbert […]
-
3K POGO workers na-downgrade visa, nakaalis na ng Pinas
NASA 55 porsyento na o 3,000 mula sa 5,995 dayuhang manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na may downgraded visas ang nakaalis na ng bansa, ayon sa Bureau of Immigration nitong Sabado. Nabatid na iniulat ni BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado sa pulong ng “Task Force POGO Closure” na noong Setyembre […]
-
Competency o kakayahan, pangunahing criteria sa pagtatalaga bilang Marcos admin officials
WALANG palakasan at political connections sa pagtatalaga bilang public managers ng gobyerno. Sa katunayan, ang pagpili bilang Marcos admin officials ay base sa merito at kakayahan na magampanan ang kanilang government functions. Sa idinaos na Public Leaders’ Summit (PLS) ng Career Executive Service Board (CESB) noong nakaraang linggo, sinabi ni Executive Secretary Victor […]