Mukhang nalalapit na ang engagement proposal: ARJO, looking forward na i-celebrate ang mga susunod pang birthday ni MAINE
- Published on March 7, 2022
- by @peoplesbalita
MULING ipinakita at ipinagmalaki ni Arjo Atayde ang pagmamahal sa kanyang girlfriend na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng 27th birthday last Thursday, March 3.
Sa IG post ng award-winning actor ng kanilang photo ng Phenomenal Star, nilagyan niya ito ng sweet caption: “Mahal na mahal kita… looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy Happy Birthday, Baba.”
Nag-comment naman si Maine ng, “Thank you!!! Love youuu.”
Matatandaan na last year, nag-post din si Arjo ng sweet birthday message sa IG account niya na, “I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy Birthday, Bubby.”
Mas matindi ngayon ang mensahe na nais iparating ngayon ng aktor, at marami tuloy ang nag-iisip na mukhang malapit na ngang mag-propose si Arjo kay Maine, na three years nang magka-relasyon.
Nag-celebrate nga sila last December 21, 2021 na kanilang third anniversary.
Una nilang inamin noong January 2019 na “exclusively dating” na sila at after ng eleven months ay naging couple at binati ang isa’t-isa sa kanilang first anniversary.
Inamin din Arjo sa isa niyang interview, nakikita raw niya ang sarili na spending the rest of his life with Maine.
Pinusuan ng celebrity friends nila at netizens ang IG post na ito ni Arjo na hinintay talaga bago sila matulog. Kitang-kita na maraming kinikilig at umaasang sila na sana ‘til forever.
Isa nga sa unang nag-comment at bumati ng happy birthday kay Maine ang premyadong aktres at mommy ni Arjo na si Sylvia Sanchez, at say niya na, “Stay happy and inlove.”
Comment ng netizens:
“Yun oh! Eto na ang pinakahihintay ng marami. Ang tamis.”
“Kailan po bs yun kasal??!!”
“Mukhang engagement proposal na soon.”
“Sana sila na nga forever.”
“Parang nagiging magkamukha na sila. Feeling ko malapit na makasal.”
“Mukhang may forever sila.”
“Parang nangangamoy proposal na soon! Happy for them.”
“Bagay na bagay sila.”
“Go ARMAINE kaht marami na naman ang magagalit…”
Well, abang-abang na lang tayo sa next chapter ng relasyon Arjo at Maine.
Na kahit pilit na hinahadlangan sa unang taon pa lang nila at ayaw talagang paniwalaan, heto at nasa ikatlong taon na nga sila at patuloy na tumitibay at hindi na mapaghihiwalay.
(ROHN ROMULO)
-
OBRERO SA MALACANANG, NAKURYENTE
NASAWI ang isang 21 anyos na construction worker nang makuryente matapos hawakan ang steel scaffolding sa kanilang barracks sa loob ng Malacanang Park Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktima na si Leonard Bulado Jr y Llanto,binata, tubong Masbate City at stay-in sa EP Clubhouse barracks sa loob ng Malacanang. Sa ulat […]
-
Magat dam, handang harapin ang mga posibleng kasong isasampa sa kanila ng mga LGU
NAKAHANDA ang pamunuan ng National Irrigation Administration na may superbisyon sa Magat dam na haharapin nila ang anumang reklamong ihahain laban sa kanila hinggil sa pagpapakawala ng tubig sa nasabing dam na sinasabing dahilan ng malawakang pagbaha sa Cagayan. Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NIA Administrator RGen. Ricardo Visaya na magandang oportunidad […]
-
Ads September 20, 2023