Muling gagawa ng history ‘pag siya ang top winner: TAYLOR SWIFT, pinakamaraming nominasyon sa ‘2023 MTV Video Music Awards’
- Published on August 12, 2023
- by @peoplesbalita
DAPAT nang maghanda sa isang maaksyong hapon ang mga Dabawenyong basketball enthusiasts dahil pupunta ang GMA Masterclass: The Sports Series sa Davao City today August 12 kasama ang PBA legend na si Jerry “Defense Minister” Codiñera.
Makakasama ni Jerry sa pagtuturo sa mga aspiring basketball players si Kurt Reyson ng Letran Knights. Thanks to GMA Regional TV and Synergy, siguradong maraming makukuhang learnings and techniques ang mga dadalo sa Almendras Gymnasium, Davao City Recreation Center sa ganap na 1 ng hapon.
***
HUMAKOT ng pinakamaraming nominasyon sa 2023 MTV Video Music Awards (VMAs) si Taylor Swift.
Walong nominations ang natanggap niya para sa music video na Anti-Hero.
Muling gagawa ng history sa VMA si Taylor kapag siya ang maging top winner this year. Last year, siya ang first artist to win Video of the Year three times. Isa rin siya sa most-awarded artist in VMA history with 14 VMAs, just behind Beyoncé with 16 and Madonna with 20.
Mga nakatanggap din ng maraming nominasyon in this year’s VMAs ay sina SZA (6), Doja Cat, Kim Petras, Miley Cyrus, Nicki Minaj, Olivia Rodrigo, and Sam Smith (5).
Lahat sila ay maglalaban for Video of the Year category: Doja Cat’s “Attention,” Cyrus’ “Flowers,” Minaj’s “Super Freaky Girl,” Rodrigo’s “vampire,” Smith and Petras’ “Unholy,” SZA’s “Kill Bill,” and Swift’s “Anti-Hero.”
Magaganap ang 2023 VMAs on September 12, live at the Prudential Center in Newark, New Jersey.
(RUEL J. MENDOZA)
-
James malapit ng malampasan ang record ni Kareem Abdul-Jabbar
Naging pangalawang manlalaro si LeBron James ngayong Linggo (Lunes sa Manila) sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng mahigit 38,000 puntos, kasama si Kareem Abdul-Jabbar sa isang elite club. Naabot ni James ang milestone sa laro ng Los Angeles Lakers laban sa Philadelphia 76ers. Sumalpak ang apat na beses na NBA […]
-
Press peeps, pasok sa HoF Review Committee
BUBUO ang Philippine Sports Hall of Fame ng isang Review Committee para sa sports media practitioner upang makatuwang sa pagrebisa at ebalwasyon sa mga inonomina sa ikaapat na grupong mga iluluklok sa nasabing karangalan sa darating na Nobyembre. Base sa Republic Act No. 8757 na kilala rin bilang PSHOF Act, tanging ang Screening Committee […]
-
Tokyo Olympics organizers, tiniyak na hindi na maantala pa ang torneo
Ipinakita ang Tokyo Olympic organizers na wala ng dahilan para muli pa nilang kanselahin ang nasabing torneo sa susunod na taon. Isa aniya sa pagpapatunay ng kanilang kahandaan ay ang pagbabalik sa Tokyo Bay ng The Olympic rings monument. May taas ito na 15.3 meters at lapad na 32.6 metro na unang inilagay […]