• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling pagsirit ng Covid-19 cases sa bansa, walang dahilan para mag-panic- Malakanyang

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-panic sa pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa.

 

Sa ulat, may 3,000 na bagong COVID-19 cases ang naitala kada araw sa nakalipas na apat na araw.

 

“Hindi pa rin ako nagpa-panic, kasi iyong ginawa nga natin iyong lockdown, hinanda natin ang ating health system,”ayon kay Sec. Roque.

 

“Nasa 60% ang availability ng hospital beds and facilities [for COVID-19] patients. Kaya natin silang pagsilbihan, alagaan at pagalingin,” dagdag na pahayag nito.

 

Gayunpaman, hinikayat ni Sec. Roque ang publiko na gawin ang kanilang parte para paigtingin ang pagsunod sa minimum health standards kabilang na rito ang pagsuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay, pag-obserba sa physical distancing, at magpaturok ng COVID-19 vaccine sa oras na ito’y available na.

 

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na walang pangangailangan para baligtarin ang full-scale lockdown sa ngayon.

 

Kinatigan naman ni dating Health Secretary Manuel Dayrit ang pahayag ni Sec. Roque subalit kailangan na pabilisin ang vaccination program upang maiwasan ang economic downturn. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads November 24, 2022

  • Kelot na problemado sa relasyon sa ka-live-in, may arrest warrants, nagbigti, todas

    MATAPOS ang dalawang araw na pagkaka-comatose sa pagamutan, binawian ng buhay ang isang lalaking akusado sa pagnanakaw at problemado sa relasyon sa kanyang live-in partner makaraang magbigti sa Navotas City.     Alas-3:28 kamakalawa ng hapon nang ideklarang patay ng mga doktor sa Navotas City Hospital ang 29-anyos na biktima na naunang nadiskubre ng kanyang […]

  • Ads October 14, 2024