Mungkahi ni Joseller Guiao
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
ISYU para kay Joseller ‘Yeng’ Guiao ang planong mala-National Basketball Association (NBA) style bubble ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa restart sa mid-October.
Iginiit niya sa isang talakayan nitong isang araw, na puwedeng magkaproblema sa isipan ang mga papasok roon sanhi sa pagkainip ng mga manlalaro ng propesyonal na liga kapag pinagpatuloy ang 45th Philippine Cup 2020.
Iginiit ng North Luzon Expressway o NLEX Road Warriors coach, na maging maigsi lang dapat ang season-opening conference kapag tinuloy ang bubble concept.
“Ang hirap kapag hindi iko-compress,” giit ng multi titled bench strategist, na nasisilip na magkakaroon ng mental health issue sa pagbabalik ng lahat sa paglalaro habang nakalagay lang sa isang kapaligiran na malayo sa kanilang mga pamilya.
“You have to be in a bubble for three to four months? Masisiraan ng ulo mga player, lalo na iyung coaches. I think there’s gonna be a mental health issue kung masyadong matagal,” saad ng dating national mentor.
Isa sa posibleng pagsasagawaan ng bubble play na pinapaboran ng 61-anyos na dating bise gobernador at kinatawan sa Kongreso ng Pampanga, ang Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, na malapit lang aniya ang mga hotel para sa 12 koponan.
“From the hotel, we can go to our own practice venues. May sariling bus, our own transportation going to practice, then balik sa hotel, tulog don, then laro sa Araneta. That’s still considered a bubble,” wakas na sambit ng tactician Guiao.
Pakisilip mo nga PBA Commissioner Wilfrido Marcial ang pinag-aalsa boses ni coach Yeng. Kayo po, ano sapalagay mo?
-
PRC, hinikayat ang mga Bulakenyo na makiisa sa pagtaguyod ng mga makataong serbisyo
UPANG mahikayat ang mga Bulakenyo sa pakikilahok at pagtataguyod ng mga serbisyong makatao, idinaos ng Philippine Red Cross – Bulacan Chapter ang Walk for Humanity kung saan humigit-kumulang 4,100 Bulakenyo ang lumahok sa martsa na nagsimula sa Malolos Sports and Convention Center hanggang Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito. Alinsunod sa temang […]
-
SANYA at ROCCO, reunited sa inaabangang primetime series na ‘First Lady’; kinakiligan pa rin ng fans
REUNITED sina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa inaabangan na GMA primetime teleserye na First Lady. Unang nagtambal sina Sanya at Rocco sa Encantadia noong 2016 at nasundan ito ng Haplos noong 2017. Nagkaroon ng fans ang tambalan nila Sanya at Rocco at umasa silang magkakatuluyan ang dalawa, pero biglang lumitaw […]
-
Ads November 29, 2021