• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Murder suspect sa Navotas, arestado

Makaraan ang 12 taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang isang murder suspect sa Navotas city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto sa suspek na si Arturo Igana Jr., 28, mangingisda ng Blk 1 Lot 1 Ignacio St. Bacog, Brgy. Daanghari, na tinauriang No. 6 Most Wanted Person sa lungsod ay resulta ng ilang linggong intensive surveillance at intelligence operations na isinagawa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/SMSgt. Anthony Santillan.

 

 

Si Igana ay inakusahan sa pagpatay kay John Frederick Bacongan habang naglalakad ang biktima pauwi sa Brgy. Daanghari noong July 23, 2008.

 

 

Ani Col. Balasabas, may personal umanong galit ang suspek kontra sa biktima kung kaya’t pinagsasaksak nito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Bacongan hanggang sa mamatay.

 

 

Matapos ang pagpatay, nagtago si Igana hanggang sa makatanggap si Sgt. Santillan ng tip mula sa kanilang impormante na ang akusado ay madalas bumibisita sa kanyang pamilya sa Brgy. Daanghari.

 

 

Dakong 3 ng hapon, inaresto ng mga pulis si Igana sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Branch 169 sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Richard Mesa)

Other News
  • Huling quarterfinals slot hinablot ng E-Painters

    KASABAY ng panalo ng Rain or Shine ay ang tuluyan nang pagkakabuo sa eight-team quarterfinal round.   Nakahugot ng inspiradong laro mula kay James Yap, pinabagsak ng Elasto Painters ang TNT Tropang Giga, 80-74, para ibulsa ang No. 8 ticket sa quarterfinals ng 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, […]

  • TRAVEL RESTRICTION SA 8 BANSA HANGGANG JULY 31, TRANSITING PASSENGER HINDI KASAMA

    IPINAALALA ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga biyehero na na ang kasalukuyang travel restrictions mula sa walong bansa ay mananatili hanggang July 31.     Ang mga bansang ito ay ang  India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, at ang United Arab Emirates.     “With the recent inclusion of Indonesia, the […]

  • Usad-pagong na pagbangon ng ekonomiya, nagtulak kay PDu30 para sang-ayunan ang hakbang ng IATF

    ANG usad-pagong na economic recovery ng bansa ang dahilan para sang- ayunan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbubukas ng iba pang mga negosyo simula ngayong araw na ito.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at pinag- isipan ng Punong Ehekutibo […]