Na-consider na mag-judge sa ‘Miss Universe 2023’: BOY, na-disqualified dahil in-interview si MICHELLE sa show
- Published on November 23, 2023
- by @peoplesbalita
SA afternoon program ni Boy Abunda na “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA-7, last Tuesday, ipinahayag niya na na-consider siya para makabilang sa panel of judges sa katatapos na Miss Universe 2023 sa El Salvador.
Pero na-disqualified siya dahil sa latest interview niya kay Michelle Marquez Dee sa kanyang talk show.
“Ako ay naimbitahan, pero na-disqualified din ako from judging this year’s Miss Universe dahil in-interview ko si Michelle sa show ko,” wika ni Boy.
“Sa kanilang rules pala ay bawal ang interview.”
Hindi naman nagtampo si Boy dahil para sa kanya “it was worth it and that I was really going to vote for the Philippines. I can imagine how difficult it is to judge, but we’re still very happy. Michelle got to the Top 10.”
Natapos ni Michelle ang Miss U with three special awards, kasama rito ang “Voice for Change” to her name. Sa ngayon ang Sparkle beauty queen ay nasa Mexico pa kasama ang iba pang delegates for media guesting. Babalik siya sa Pilipinas on November 26 or 27.
***
CONGRATULATIONS to Yasmien Kurdi and Rey Soldevilla, they are going to be a family of four soon!
Sa Instagram, ang mag-asawa ay nag-announce na magkakaroon na sila ng another baby soon. May family photo sila na nagsasabing they are expecting baby number 2.
May photo rin si Yasmien hawak ang kanyang pregnancy result. May isa ring photo na ang anak nilang panganay na si Ayesha ay nakasuot ng t-shirt with the words na “Big Sister” and “Only Child” pero crossed out na ang “Only Child.
Inamin ni Yasmien na isinikreto muna nila ang balita: “We’ve been keeping a little secret for a while, #BabyNo2 soon this 2024. The third dragon in the family.
“Dragon ang zodiac sign ng isisilang na baby ni Yasmien tulad din ni Ayesha who is turning 11 years old na this November.
Tumanggap naman ng mga pagbati si Yasmien mula sa kanyang mga kaibigang celebrities.
Sa ngayon ay napapanood si Yasmien sa daily afternoon drama series na “The Missing Husband” with Rocco Nacino, Sophie Albert, Jak Roberto and other actors, after “Stolen Life” sa GMA-7.
***
KABABALIK lamang pala ng mag-asawang Matteo Guidicelli and Popstar Royalty Sarah Geronimo from their European trip, shared by Kapuso actor and snapshots taken from beautiful spots in Italy and Spain.
Caption ni Matteo: “sharing a few pictures from our recent trip to Italy and Spain.”
Ayon kay Matteo, “it’s a beautiful experience driving from Rome to Amalfi and down to Napoli in Italy.” Tumuloy din sila ng Madrid to San Segastian, Spain bago sila bumalik ng Italy.
Matatandaang this year nag-sign ng contract si Matteo sa GMA Public Affairs at nagsimula siya agad mag-host sa “Unang Hirit.”
Gumaganap siya ngayon as one of the lead stars sa “Black Rider” with Ruru Madrid, Yassi Pressman, Katrina Halili, Jon Lucas sa primetime sa GMA-7.
Si Matteo rin ang bida sa action-filled adventure movie na “Penduko” ng Viva Films, na isa sa mga official entries sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December.
(NORA V. CALDERON)
-
Unang araw ng enrollment nakapagtala ng 2.8-M nakapagrehistro – DepEd
KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) na mahigit sa 2.8-million na mga estudyante mula sa iba’t ibang parte ng bansa ang nakapagrehistro na sa unang araw ng enrollment para sa nalalapit na bagong school year. Ayon sa DepEd nasa kabuang 2,808,779 ang mga nakapag-enroll hanggang kagabi, na mas mataas sa 1,443,666 na mga […]
-
Razon sinagot ang COVID-19 vaccines ng mga Olympic-bound athletes at coaches
Hindi na dapat mag-alala ang mga national athletes at coaches na sasalang sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Sasagutin ni businessman Enrique Razon ang pagbibigay sa mga national athletes at coaches ng vaccines para sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang pagpunta sa nasabing quadrennial event sa Hulyo. “We would like […]
-
GRUPO NANAWAGAN NG IMBESTIGASYON SA VIP VACCINATION
NANAWAGAN ang isang grupo na imbestigahan ang ginawang vaccination sa ilang opisyal ng gobyerno kasunod ng tahasang pag-amin ni Special Envoy to China Ramon Tulfo na naturukan na ng Covid-19 Sinopharm vaccine. Ayon sa CPRH, dapat magkaroon ng patas na imbestigasyon ang Food and Drug Administration o FDA sa VIP COVID-19 vaccination sa mga […]