• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na may pag-asang pagkakaisa sa kabila ng mga hamon: ‘Women’s Month’ celebration sumipa na- CHR

SUMIPA na noong Marso 1 ang “Purple Action Day” ng Commission on Human Rights (CHR), pagbubukas ng “Women’s Month” para ngayong taon na may mensahe ng pag-asa at pagkakaisa para sa mga kababaihan at women leaders lalo na ngayong nalalapit na ang halalan sa bansa.

 

 

Ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon ay “Tinig ng Kababaihan, Pag-asa ng Bayan”.

 

 

Sinimulan ng CHR ang unang araw ng selebrasyon kasama ang organisasyon ng mga kababaihan na Sarilaya sa pamamagitan ng pagma-martsa mula sa traffic island malapit sa Philippine Coconut Authority (PhilCoa) patungo sa Liwasang Diokno sa CHR Central Office grounds sa Quezon City.

 

 

“Purple Action Day serves not only as a day of celebration welcoming Women’s Month; but is also a day of making women’s voices heard, of seeking accountability, and surfacing urgent women’s issues and concerns,” ayon sa CHR sa isang kalatas.

 

 

Sa nasabing event, sinabi ni Commissioner Karen S. Gomez-Dumpit na ang CHR ay abala sa kanilang “Bantay Karapatan sa Halalan” project upang maitaguyod ang agenda ng mga kababaihan sa nalalapit na halalan at maprotektahan ang mga ito laban sa pang-aabuso.

 

 

“Bitbit natin ang mga agenda na maisama natin ito sa usapan sa pagpili na susunod na pamumuno,” anito.

 

 

Pinuri naman ni Gomez-Dumpit ang mga women leaders sa bansa.

 

 

Tinukoy nito ang ipinamalas na lakas ng loob sa kabila ng patuloy na pag-atake sa mga kababaihan maging ang mga ito man ay politiko, human rights defenders, o health workers — binanggit nito ang pangalan ni Senador Leila de Lima at Dr. Natividad “Naty” Castro.

 

 

“Binibigay po natin sa kanila ang Purple Action Day,’ aniya pa sabay sabing ” that it is equally important to rally the participation of marginalized women in this year’s elections so that their needs and voices will be addressed.” (Daris Jose)

Other News
  • Namataang Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef hindi magiging dahilan na maulit ang 2012 Scarborough Shoal standoff- Sec. Roque

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na ang di umano’y naispatan na Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef (Union Reefs) sa West Philippine Sea ay hindi magiging dahilan para maulit ang 2012 Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc o Panatag) standoff.   Higit 200 Chinese maritime militia vessels kasi ang natuklasang namamalaot sa isang bahagi ng West Philippine […]

  • PBBM kabilang sa sisingilin ng BIR kung kumikita ito sa kanyang mga vlog

    NILINAW ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang magbayad ng buwis kung kumikita sila sa kanilang mga vlog.     Ayon kay Marissa Cabreros, deputy commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), anuman ang kanilang pagkakakilanlan, ang mga vlogger na kumikita ng kanilang mga account sa mga streaming […]

  • Rekonsiderasyon sa sinuspindeng oil search sa WPS, hiniling

    HINILING ng Department of Energy (DOE) ang rekonsiderasyon sa sinuspindeng oil exploration activities sa West Philippine Sea (WPS).     Ang pahayag na ito ay matapos na ang oil at gas firm PXP Energy Corp. ay inatasan na itigil ang kanilang exploration activities sa kanilang service contracts sa WPS hanggang sa makakuha ito ng clearance […]