NA-RAPE NA OFW SA KUWAIT, NANALO SA KASO, NAKAUWI NA
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAUWI na rin sa Pilipinas ang isang Overseas Filipino Workers (OFW) matapos manalo sa kasong rape laban sa mga otoridad ng Kuwaiti na nanggahasa sa kanya , walong taon na ang nakalilipas.
Nakasama na rin ni Marites Torijano ang kanyang pamilya sa PIlipina matapos ang kanyang pananatili ng walong taon sa Migrant Workers and Other Filipino Resource Center habang hinihintay ang desisyon sa kanyang reklamo
Pinuri naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Philippine Embassy sa Kuwait para sa matagumpay na pagpanalo sa kaso ni Torijano at ang pagpapauwi s akanya pabalik ng bansa.
Ayon naman kay Labor Attaché Nasser Mustafa ,si Torijano ay na-repatriate sa pamamagitan ng Kuwait Airways.
Si Torijano ayon kay Mustafa ay dineploy dsa Kuwait ng Zontar Manpower Services Inc. bilang domestic helper noong September 2006 pero inilipat ng trabaho sa isang dress shop sa Farwaniya.
Habang ang kanyang residence visa ay “for renewal” ng kanyang employer, siya ay nahuli ng isang pulisya ng Kuwaiti noong September 2012.
Sa halip na dalhin ito sa police station ay dinala ito sa madilim na disyerto sa South Surra kung saan siya ginahasa sa loob ng police patrol car at sinaksak sa leeg at likod.
Nagawa namang gumapang ni Torijano sa gilid ng kalsada kung saan siya nakita ng dumaraang sasakyan at nagdala sa kanya sa Mubarak Hospital.
Kasunod ng dalawang taong paglilitiis nasentensyahan ang pulis Kuwaiti ng kamatayan noong June 2014 ng Court of First Instance pero nabago ng habambuhay na pagkakabilanggo ng Court of Appeals matapos umapel ang legal counsel ng pulis.
Binayaran naman si Torijano ng P3 milyon civil damages sa pamamagitan ng kinatawan ng Philippine Embassy at Kuwaiti human rights lawyer na si Sheika Fawzia Salem Al-Sabah. (GENE ADSUARA)
-
Uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino, prayoridad na mabigyan ng Covid- 19 vaccine
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino ang prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine. “Ang mauuna ‘yung mga taong nasa listahan ng mga gobyerno na tumatanggap ng Pantawid. Ito ‘yung mga mahirap,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address. Ang mahirap na pamilyang […]
-
Caritas Philippines, kasama sa mag-iimbestiga sa drug war killings sa bansa
TIWALA ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tuluyan ng mabibigyan ng katarungan ang mga biktima ng war on drugs ng dating administrasyong Duterte sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war killings sa bansa. Ito ang mensahe ni Caritas Philippines executive director […]
-
Pinas, isinasapinal na ang ‘roadmap’ para sa COVID-19 Alert 1
ISINASAPINAL na ng Pilipinas ang “roadmap” para sa tinatawag na “new normal” o “loosest of 5 COVID-19 alert levels.” Umaasa kasi ang adviser at researcher ng bansa na mas mapaluluwag na ang restriksyon sa Marso. “The declaration of Alert Level 1 requires continued adherence to health rules and a high vaccination […]