Naabot ang target na P500-M ng MMFF 2022: ‘Deleter’ ni NADINE, top-grosser at patuloy pang umaarangkada
- Published on January 11, 2023
- by @peoplesbalita
UMABOT sa P500 milyon ang kabuuang ticket sales ng Metro Manila Film Festival 2022, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Romando Artes noong Lunes.
“We are delighted to announce that we were able to reach our target gross sales amounting to P500 million considering that we are still recovering from the impacts of the COVID-19 pandemic. Indeed, the 2022 MMFF is a certified box-office hit,” pahayag ni Artes.
“Ikinagagalak naming ipahayag na naabot namin ang aming target na gross sales na nagkakahalaga ng P500 milyon kung isasaalang-alang namin na bumabawi pa kami mula sa mga epekto ng pandemya ng COVID-19. Sa katunayan, ang 2022 MMFF ay isang sertipikadong box-office hit,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Artes na ang Top 4 na pelikula sa walang partikular na pagkakasunod-sunod ay: “Deleter,” “Family Matters,” “Labyu with an Accent,” at “Partners in Crime.”
“Rest assured that the MMFF will exert all efforts by encouraging our stakeholders, especially the local entertainment industry, to create quality films. I urge each and every one of you to patronize Filipino films,” sabi pa ni Artes.
Lahat ng 8 pelikulang ipinalabas sa mga sinehan sa buong bansa ay mapapanood pa hanggang Enero 13.
Noong Disyembre 27, 2022, na ginanap sa New Frontier Theater sa Quezon City, ang 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay namigay ng mga parangal sa mga bituin at talento na kasali sa walong filmfest entry ngayong taon, kung saan ang psychological horror na “Deleter” ng Viva Films ang nag-uwi ng pinakamaraming tropeo, kabilang ang Best Picture.
Kabilang sa 7 tropeo na naiuwi ng “Deleter” ay ang Best Director para kay Mikhail Red, Best Actress para kay Nadine Lustre, pati na rin ang Best Cinematography para kay Ian Guevarra. At walang duda ito pa rin ang top-grosser ng 2022 MMFF bagamat di pa nilalabas kung ilang milyon na at siguradong madadagdagan pa.
Kaya naman bilang selebrasyon, ngayong gabi ay may thanksgiving party ang Viva Films sa Rockwell, Makati.
Ang romance thriller na “Nanahimik Ang Gabi,” ay umani ng limang parangal sa kabuuan, kabilang ang 3rd Best Picture, Best Actor para kay Ian Veneracion, at Best Supporting Actor para kay Mon Confiado.
Nanalong 2nd Best Picture ang “Mamasapano: Now It Can Be Told,” na tumanggap ng tatlo pang parangal, kabilang ang Best Screenplay para kay Eric Ramos
Samantala, sinabi ni Artes na ilulunsad ng MMDA ang Metro Manila Summer Film Festival sa Abril, katuwang ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).
Maglalabas sila deadline ng pagsusumite ng mga entri sa lalong madaling panahon upang magabayan ang mga interesadong producer at filmmaker ayon kay Artes.
Ang Parade of Stars para sa MMFF Summer Edition ay gaganapin sa Abril 1, habang ang Gabi ng Parangal ay magaganap sa Abril 11.
Tatakbo ang Metro Manila Summer Film Festival sa loob ng 11 araw, mula Abril 8 (Black Saturday) hanggang Abril 18, sa mga sinehan sa buong bansa.
(ROHN ROMULO)
-
Suplay ng isda sa Holy Week, sapat – BFAR
TINIYAK ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa panahon ng Semana Santa. Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, kumpiyansa ang kanilang hanay na sapat ang suplay ng isda dahil binuksan na ang periodic closure sa pangingisda sa ilang lugar. “Dahil nasa peak season tayo ngayon […]
-
Maging handa sa mga hamon, totoong laban nagsisimula pa lang, maging tapat sa pagsisilbi sa bayan’
BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 310 graduates ng Philippine Military Academy (PMA) MADASIGON Class of 2023 na maging handa sa mga hamon na kanilang kakaharapin ngayong magsisimula na sila sa kanilang serbisyo publiko. Sabi ng Pangulo ang mga kadete ay hinasa at hinubog ng akademya para maging magagaling na mga opisyal […]
-
LTFRB namimigay ng driver subsidy
SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamimigay ng bagong subsidy program na tulong para sa humigit kumulang na 60,000 na public utility vehicle (PUV) drivers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic Ang programang ito ay magbibigay muna ng subsidies sa may 60,000 na drivers sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro […]