Nacionalista suportado na ang kandidatura nina BBM-Sara Duterte sa Mayo
- Published on March 30, 2022
- by @peoplesbalita
PORMAL nang ieendorso ng Nacionalista Party — ang pinakamatandang partido pulitikal sa Pilipinas — ang kandidatura nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapresidente at pagkabise.
“For the May 2022 elections, the Nacionalist Party fully supports the candidacies of Ferdinand ‘Bongbong Marcos, Jr for President and Inday Sara Dutete for Vice President,” ayon sa pahayag na nilagdaan ni NP president at dating Senate President na si Manny Villar, Martes.
Matatandaang miyembro ng Nacionalista si Bongbong bago lumipat ng Partido Federal ng Pilipinas nitong ika-5 ng Oktubre, 2021.
Bago maging bahagi ng NP, nanggaling si Marcos sa partidong Kilusang Bagong Lipunan na itinayo ng tatay niya at napatalsik na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Si Sara ay anak ng Pangulong Rodrigo Duterte.
“They both have the platforms of government, qualifications and track record to lead our country towards unity and prosperity,” panapos ni Villar, na kumandidato rin sa pagkapresidente ngunit natalo noong 2010.
Ipinagmamalaki ni Villar ang mga plataporma nina Marcos bagama’t “unity” ang madalas nilang bukambibig tuwing kampanya. Hindi niya rin gaano ito napapaliwanag sa madla sa pag-iwas sa mga presidential debates.
Kung track record ang pag-uusapan, 54 panukalang batas ang naipasa ni Marcos noong siya’y nanunungkulan pang senador noong 15th at 16th Congress — pero halo-halo na riyan ang mga siya ang author, co-author, sponsored at co-sponsored niya, ayon sa kanyang website. (Daris Jose)
-
HVI tulak, kasabwat nalambat sa Caloocan drug bust
LAGLAG sa selda ang dalawang drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat, nagpositibo ang natanggap na impormasyon ng mga opertatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement […]
-
PBA maraming options para sa Season 46
Maraming options na naglutangan para matagumpay na mairaos ang PBA Season 46 matapos itong maudlot dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Kaliwa’t kanan na ang nagsulputang posibleng maging sagot matuloy lamang ang season na makailang ulit nang na-postpone dahil sa community quarantine. Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, […]
-
Nadal, Djokovic at Williams nakalista na sa US Open tuneup games
Lumahok sa US Open tune-up tournament sina top-ranked Novak Djokovic, world number two Rafael Nadal at Serena Williams. Ito mismo ang kinumpirma ng organizers ng ATP at WTA Western at Southern Open. Unang plano itong gagawin sana sa Cincinnati pero ito ay inilipat sa New York dahil sa coronavirus pandemic. Gaganapin ito mula Agosto 20 […]