• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-iwan sa Pinas ng P481 milyong halaga ng pinsala: Julian’, umalis na ng Pinas

LUMABAS na sa Pilipinas ang Supertyphoon “Julian” (international name: Krathon) .

 

Sa paglabas sa bansa ni Julian ay nag-iwan naman ito ng limang kataong patay at dahilan ng pinsala sa agriculture sector na umabot sa P481.27 milyon ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), na inabandona na ni Julian ang Philippine Area of Responsibility ng alas-8 ng umaga, araw ng Biyernes, at huling nakita sa 480 kilometro sa hilaga ng Itbayat,Batanes.

 

Sinabi pa ng NDRRMC na may isang katao ang nananatiling nawawala habang 8 naman ang sugatan, may 242,973 indibiduwal, o 69,290 pamilya na karamihan sa Northern Luzon, ang apektado.

 

Kapwa nagdeklara naman ang lalawigan ng Ilocos Norte at Batanes ng state of calamity habang patuloy naman ang NDRRMC sa pagta-tally ng mga report ng pinsala.

 

Sinabi ng NDRRMC na ang pinsala sa imprastraktura ay umabot sa P738.15 milyon habang sa agrikultura naman ay P309.16 milyon, subalit sinabi ng Department of Agriculture (DA), araw ng Biyernes na umabot na ito sa P481.27 million.

 

Sa kabilang dako, lumipad naman si Pangulong Marcos patungong Ilocos Norte at Batanes para personal na inspeksyunin ang pinsala at nagpahayag ng pangamba sa umusbong na problema sa sektor ng sakahan.

 

Sa pinakabagong bulletin nito, iniulat ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng DA na may 20,134 magsasaka sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley at Central Luzon ang apektado.

 

Winalis ng masamang panahon ang 19,151 metric tons (MT) ng naaning bigas at mais sa 13,488 ektarya ng lupain.

 

“As field assessments and validations continue, further damage and losses are expected in the affected regions, particularly on palay in Cagayan Valley,” ang sinabi ng DA.

 

“Rice suffered the most from Julian, with losses amounting to P348.42 million or 72.39 percent of the overall damage. The majority of the 17,585 MT of rice produce was in the reproductive and maturity stages.Corn accounted for P35.75 million or 7.43 percent of the total. The natural calamity damaged 1,514 MT of corn produce, mostly in the vegetative and maturity stages,” ayon pa rin sa DA.

 

Ang iba pa ayon sa DA na mga ‘kalakal at pasilidad’ na naapektuhan ay ang irrigation facilities (P92.68 million), high-value crops (P3.96 million) at livestock at poultry (P472,550).

 

Sa mga sunud-sunod na bagyo at El Niño phenomenon na tumama sa bansa sa mga nakalipas na buwan, nasirang ang 502,680 MT ng bigas.

 

“Alone, the El Niño-inducted dry spell that ended in June ruined 330,717 MT of rice,” ayon sa final bulletin ng DA sa weather phenomenon na naka-post noong Agosto.

 

Sa pagtatantiya ng DA, ang bansa ay nawalan ng 500,000 MT hanggang 600,000 MT na palay production taun-taon dahil s amga bagyo at iba pang natural calamities. (Daris Jose)

Other News
  • Gagawin ang lahat para walang maiwang gutom at mayroong magandang kalidad ng buhay

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamamayang Filipino na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat upang walang maiwan kahit na isang nagugutom at ine-enjoy ng lahat ang kanilang mas maayos na kalidad ng buhay.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa pagdiriwang ng ika-56 founding anniversary ng lalawigan ng Davao del […]

  • 90% ng populasyon ng mundo, may resistance na kontra COVID-19 – World Health Organization

    INIHAYAG ng World Health Organization (WHO) na tinatayang nasa 90% na ng kabuuang populasyon ng mundo ang mayroon nang resistance kontra sa sakit na COVID-19.     Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, bunga ito ng tuluy-tuloy na malawakang bakunahan sa iba’t-ibang panig ng daigdig laban sa nasabing sakit dahilan kung bakit nagkaroon na […]

  • Willy, balitang sumama ang loob sa ‘di pagtanggap ng offer: HERLENE, magti-taping na ng first teleserye sa GMA after ng beauty pageant

    KUNG meron palang isa sa kinagigiliwang panoorin ang mga netizens sa reality game show na “Running Man Philippines” kina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Buboy Villar, si Buboy iyon.     Sabi ng isang netizen, “paborito ko siyang agent among the seven, sa kabila kasi […]