• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-sign off na bilang sa Mokang sa ‘Batang Quiapo’: LOVI, nagpapasalamat kay COCO at sinabihang magpahinga rin

NAG-SIGN off na si Lovi Poe bilang Mokang sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’. Umere ang kanyang last episode sa serye noong Huwebes ng gabi.

 

Matapos umere ang episode ay nag-post si Lovi ng pasasalamat at mensahe kay Coco Martin at sa buong team kalakip ang video ng kanyang mga eksena sa serye.

 

“I am truly blessed to have been part of a project that represents my father’s name. It was a first and it will always mean the world to me. My deepest appreciation to Sir Deo, Tita Cory and ABS-CBN for this opportunity. You have given me a missing piece to my puzzle. For that, I will always be grateful.

 

“A big part of my 2023 was breathing life into a character I have grown to love — what a privilege it was to play Mokang. She was a fighter and she taught me how it is to truly be free. It really was a tough decision for me to make but I have decided to turn the page.

 

“To my Batang Quiapo team, the depth of your creativity and imagination knows no bounds and I know you will continue to soar high. I will always be cheering for all of you from afar. Mami-miss ko kayo ng malala,” sey niya.

 

Kasunod nito ay nagbigay siya ng mensahe kay Tanggol at kay Coco bilang direktor at bilang aktor.

 

Bilang direktor ay nagpasalamat siya kay Coco sa pagpapatuloy nito sa legacy ng kanyang ama.

 

“To my dearest tagapagTANGGOL, maybe in another life? Direk Coco, my dad’s legacy is in great hands. Salamat at pinagpapatuloy mo,” sey ni Lovi kay Coco.

 

Pero sabi rin niya, magpahinga rin daw ito.

 

“Coco, I will always be one of your biggest fans. Please try to get some sleep.”

 

Sa huli, sinabi niya na, “At sa mga nagmamahal kay Mokang, sobrang mahal ko din kayo. Maraming maraming salamat poe,”

 

“Inyong tropa, Mokang…now signing off,” ang pagtatapos ni Lovi.

 

***

 

TAGUMPAY ang ’49th Metro Manila Film Festival’ base sa naging post ng MMFF spokesperson na si Noel Ferrer na sa loob ng sampung araw, sumampa na ng 700 million mark.

 

Kumpara sa kinita talaga ng MMFF noong isang taon, talagang napakalaki ng difference at ‘di malayong sumampa ito ng bilyon habang ongoing.

 

May bali-balita rin ang posibilidad na ma-extend pa ang 2 weeks showing nito sa mga sinehan.

 

Ang pelikulang ‘Rewind’ na pinagbibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na pinaka-top grosser sa lahat ay napapanood na rin ngayon sa Guam, USA.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Kamara tutulong sa giyera ni PBBM laban sa smuggling, hoarding ng agri products

    TUTULONG ang Kamara sa giyera ni Pangulong Marcos laban sa smuggling at hoarding ng bigas at iba pang produktong agrikultural.     Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez isang araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos.     “We share the President’s anger and frustration with smuggling, […]

  • Kampo ni BEA at GMA-7, nagtataka sa lumabas na ‘fake news’ na may offer para maging isang Kapuso

    NAGTATAKA ang manager ni Bea Alonzo, even ang mga taga–GMA Network, sa balitang may offer sila sa aktres para pumirma sa kanila ng contract at maging isang Kapuso.      Fake news iyon, dahil sa ngayon ay committed lamang si Bea para sa movie na gagawin nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ang A […]

  • Paggamit sa GSIS, SSS funds sa Maharlika pinalagan ng Senado

    PUMALAG  ang parehong lider ng mayorya at minorya sa Senado sa naging pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaari pa ring gamitin ang pension funds ng SSS at GSIS para pondohan ang mga proyekto ng Maharlika Investment Corporation (MIC).     Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villa­nueva, walang puwang ang anumang interpretasyon dahil […]