Nag-trending matapos hiritan ng contestant: MARIAN, pinuri ni DINGDONG sa natural na talento sa pagpapasaya
- Published on July 11, 2024
- by @peoplesbalita
NAG-trending sa X (dating Twitter) si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil sa isang male contestant ng Century Tuna Superbods na kung saan isa ang aktres sa mga hurado.
Kumalat nga ang video ng Q&A portion kung saan tinatanong ni Marian ang finalist na si Jether Palomo.
Ang tanong ng asawa ni Dingdong Dantes, “Dumami ang followers mo sa social media nu’ng naging finalist ka. Paano mo gagamitin ang opportunity na ito kahit natapos na ang kompetisyon na ‘to?”
Natigilan ang male candidate at hiniritan si Marian ng, “I’m sorry, can I get English please?”
“I would try my best,” tugon naman ni Marian.
Kasunod nito ay sinabi niya na, “Are you ready for this? Listen very carefully.
“Here’s my question. Your social media following grew when you become a finalist, how would you use this opportunity even after your Superbods journey.
“I think you understand that!”
Nagsigawan at nagpalakpakan naman ang audience sa ginawa ni Marian na pagbigyan ang request ng male contestant, na siyang nanalo sa male category, habang ang nagwagi sa female category naman ay si Justine Felizarta.
Kumalat na rin ito sa ibang social media tulad ng Facebook at Tiktok, at nagkaroon ng iba’t-ibang reaction.
Samantala, nag-post naman si Dingdong, kasama ng sexy photo ni Marian na naka-red dress, na sinuot niya sa naturang competition.
May caption ito ng, “hindi lang ang iyong panlabas na kagandahan ang nagningning kagabi, kundi pati na rin ang natural mong talento sa pagpapasaya at pagpukaw sa puso ng mga Pilipino.
“Isang masigabong palakpak para sa iyo, Misis ko. (Clapping hands emoji) Marian Rivera
“P.S. di kailangang i-translate sa ingles, gets niyo na yun.”
***
NAG-VIRAL din ang maling pagbanggit ni MJ Lastimosa sa 60th Bb. Pilipinas, na kung saan ang mapipiling Bb. Beautederm ay tatanggap ng 150k cash prize at 500k worth of products, pero 500 pesos lang nasabi niya.
Pero agad naman itong nilinaw ni MJ at sinabing, “to clarify our Ms. Beautederm will go home with 500k worth of Beautederm products.”
At dahil nga pinag-usapan at nag-viral, naglabas ng bagong pakulo ang company na pag-aari ni Ms. Rhea Anicroche Tan.
Sa kanyang Facebook post mababasa na, “Ito na!! Share na ng baby ko Queen MJ Lastimosa ang kulang na Php 499,500.
Dinagdagan ko na ng 500 ha? Para perfectt na this time mga mare!! Sali na!!!
At narito ang paraan ng pagsali sa viral challenge…
“In collaboration with Queen MJ Lastimosa, we are giving away 500 worth of Beautéderm products (Just kidding).
“Simply comment and share to win 5,000 worth of BD products. How?
✔️.pngComment 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐨𝐮𝐫 𝐩𝐨𝐬𝐭 and hashtag #BD500 on any of Beautéderm’s posts.
Share the post using the hashtag #Beautéderm500
“Our 499,500 thank yous to everyone and to MJ!”
(ROHN ROMULO)
-
DOH, nilinaw ang posibilidad na muling ibalik sa Alert Level 2 ang NCR
NILINAW ng Department of Health ang posibilidad na muling ibalik ang Alert level 2 sa mga lugar na nasa pinakamaluwag na Alert level 1. Ayon sa DOH, nakadepende pa rin ito sa matrix ng Alert level system sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF). Ang paglilinaw na ito ng […]
-
Tsina, hindi magdadala ng giyera, kolonisasyon sa Pinas- envoy
TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na hindi magdadala ng giyera at kolonisasyon ang Tsina sa Pilipinas. Sa halip, ang bibitbitin aniya ng Tsina ay kooperasyon at pagkakaibigan lalo pa’t ang daan na tinatahak ng Tsina ay modernisasyon. Sa kabilang dako, sa gitna ng hindi pa rin nalulutas […]
-
PDU30, sinabihan ang mga filipino na huwag kumuha ng mahigit sa 2 doses ng COVID-19 vaccine
SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipino na huwag kumuha ng mahigit sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang Talk to the People, Huwebes ng gabi sa kabila ng hindi pa ngde-desisyon ang Department of Health ukol sa booster shots laban sa COVID-19. “Check out the vaccinations […]