Nagbabala na ‘wag magpa-picture sa naka-costumes: YSABEL, nabudol sa Amerika ng ilang street performers
- Published on February 6, 2024
- by @peoplesbalita
NASA Los Angeles, California kasi si Ysabel para sa Manila International Film Festival.
At sa recent post in Ysabel sa kanyang Tiktok account ay inilahad niya ang pambibiktima sa kanya ng ilang street performers na naka-costume.
“Alam niyo ba, first day pa lang namin sa LA, nabudol na kaagad ako. ‘Yung hotel namin nasa Hollywood Boulevard, and we went to Walgreens.
“Nakatayo lang kami sa Hollywood Boulevard, ina-appreciate lang namin.”
“May lumapit na Spider-Man and Mickey Mouse tapos ang bait nila. Sabi ko, ‘Ang bait naman nila!’ Pero medyo na-feel ko na parang something’s off,” pagpapatuloy pa ni Ysabel.
“Lumapit sila para magpa-picture, hindi naman sila naningil, so akala ko okay lang. So, nag-smile ako, sige.
“Tapos siningil ako ng $20!”
Mabuti na lamang at naalala ng twenty-five year old Kapuso actress na sa immigration ay sinabihan siya na mukha siyang teenager.
“So sinabi ko, ‘Sir, I’m just a minor’…Nalusutan ko naman ng $15.
“So, kung may lalapit sa inyo na Spider-Man or Mickey Mouse dito sa Hollywood Boulevard, ‘wag kayong magpapa-picture.”
Nas LA si Ysabel para sa pelikula nilang ‘Firefly’ na isa sa mga entries sa MIFF tulad ng ‘When I met You In Tokyo’, ‘Broken Hearts Trip’, at iba pa.
Wagi ang ‘Firefly’ bilang Best Picture sa MIFF at ng mga awards na Best Supporting Actress (Alessandra de Rossi), Best Director (Zig Dulay), at Best Screenplay (Anj Atienza).
***
MALAYO pa ang Halloween pero may big surprise na ang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ (KMJS) team para sa kanilang viewers mula sa kanilang Facebook account at ito ang pag-announce ng first-ever Gabi ng Lagim The Movie.
Ang true-to–life horror story mo, pwede na ngang maging isang pelikula! At ipo-produce pa ito ng award-winning teams ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.
Sila lang naman ang nasa likod ng Metro Manila Film Festival at Manila International Film Festival Best Picture awardee na ‘Firefly’.
-
Mahigit isang bilyong halaga ng subsidiya, naipamahagi na ng LTFRB sa mga tsuper at operators
UMABOT na sa mahigit isang bilyong piso ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ayuda para sa mga tsuper at operators sa ilalim ng fuel subsidy program. Batay sa datos ng LTFRB, sumampa na sa P1,089,176,500 ang kabuuang halaga ng fuel subsidy na naibigay sa mga tsuper at operators […]
-
Kelot timbog sa entrapment sa Valenzuela
ARESTADO ang isang 29-anyos na lalaki sa isinagawang entrapment operation ng pulisya makaraang tanggapin ang isang package na naglalaman ng hinihinalang marijuana kush sa Velenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong suspek na si Aaron James Bolivar ng […]
-
Filipinas nabigo sa Thailand 1-0, nasa pangalawang puwesto ng Group A
NABIGO ang Philippine national women’s football team na Filipinas sa kamay ng Thailand 1-0 sa 2022 AFF Women’s Championship. Dahil dito ay nasa pangalawang puwesto na lamang ang Filipinas sa Group A at nasang unang puwesto ang Thailand sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Manila. Tiyak na rin […]