Naging emosyonal dahil 14 years na sila: MICHAEL, nilinaw na ‘di pa magtatapos ang top-rating sitcom
- Published on April 24, 2024
- by @peoplesbalita
NILINAW ni Michael V. na hindi pa magtatapos ang top-rating sitcom nila na ‘Pepito Manaloto.’
Naglabasan ang komento tungkol sa pagtatapos ng award-winning sitcom nang makita ng netizens ang group hug photo ng cast na i-pinost ng comedian na si John Feir sa Instagram.
Heto ang naging pahayag ni Bitoy: “’Yung group hug na ‘yun, actually ‘yung photo na yun ang nire-represent nun is ‘yung group hug namin, parang remembrance. Appreciation, natuwa lang kami na after all these years, after nung pandemic, magkakasama pa rin kami.”
Naging emotional lang daw si Manilyn Reynes dahil tumagal ng 14 years ang kanilang show.
“Naiyak kami kasi hindi po namin maisip na hanggang ngayon, sa tinagal-tagal ng Pepito Manaloto, 14 years na kami, talagang nandiyan sila simula’t simula. Nakakataba ng puso.”
***
SIMULA May 6, muli nang mapapanood ang groundbreaking Philippine adaptation ng iconic anime na Voltes V sa nangungunang GMA Afternoon Prime.
Excited na ang isa sa lead stars ng serye na si Raphael Landicho, ang child actor na gumanap bilang Little John, dahil sakto sa summer vacation ang muling pagpapalabas ng serye.
“Masaya po kasi volting in again with the Kapuso para ‘yung mga bata, mas makikita po nila kami sa TV and mas ma-e-enjoy nila ang mga robot,” sey ni Raphael.
Sang-ayon naman dito si Radson Flores na gumanap bilang Mark Gordon: “‘Yung date po na ipapalabas ‘yung Voltes V is nearing summer so mas may time po ‘yung mga tao na makapanood ‘yung mga hindi po nakasubaybay. Na-e-excite po kami, ”
Bibida rito sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho na gumanap bilang Voltes V team.
Mula ito sa produksyon ng GMA Entertainment Group sa pakikipagtulungan ng Telesuccess Productions at TOEI Company.
***
NAGKAROON ng reunion ang phenomenal ‘90s Girl Group na Spice Girls sa 50th birthday ni Victoria Beckham a.k.a. Posh Spice.
Sa star-studded party ni Posh, ni-recreate ng Spice Girls ang kanilang dance moves sa 1997 hit single nila na “Stop”.
Ang husband ni Posh na si David Beckham ang naging videographer at kinunan niya ang dance moves nila Victoria, Geri Halliwell (Ginger Spice), Mel B (Scary Spice), Emma Bunton (Baby Spice) and Melanie C (Sporty Spice).
Pinost ni Victoria ang clip via IG with the caption: “Best night ever! Happy Birthday to me! I love you all so much! #SpiceUpYourLife.”
Ang ibang A-list celebs na naki-party ay sina Tom Cruise, Eva Longoria, Marc Anthony, Jason Statham and Rosie Huntington-Whiteley.
Naging global sensation ang Spice Girls back in 1994 at nag-number agad ang first single nila na “Wannabe”. Ibang hits pa nila ay “2 Becomes 1”, “Who Do You Think You Are”, “Viva Forever”, “Say You’ll Be There” and “Spice Up Your Life”.
(RUEL J. MENDOZA)
-
CHRISTIAN, first time na gawin ang bed scene and torrid kissing scene with SEAN dahil kay Direk JOEL
SINA Diego Loyzaga at Christian Bables ay mga Bekis on the Run, sa pinaka-aabangan na comedy-drama movie ng award-winning direktor na si Joel Lamangan, exclusive sa VIVAMAX ngayong September 17. Sinubukan ni Andres (Diego) at ng kanyang bading na kapatid na si Donald (Christian) na nakawan ang isang construction site, ngunit wala sa plano nila ang […]
-
Airport security chief pinagbibitiw sa pwesto ni Speaker Romualdez
HINILING ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbibitiw sa pwesto ni retired PNP General Mao Aplasca na siyang hepe ng Office of Transport Security. “I am advising the OTS chief: submit your courtesy resignation before the House of Representatives tackle the budget of your office. Mag-resign ka na. Kung hindi ka magsa-submit ng […]
-
P6.622B PONDO INIHANDA NG GOBYERNO
TINIYAK ng pamahalaan na mayroong available funds para sa ginagawang pagtugon at relief efforts para sa mga apektado ng Super Typhoon Rolly. “Gaya ng sinabi ni [Budget] Secretary [Wendel] Avisado kahapon, meron tayong P3.622 billion available na pondo sa NRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council),” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. […]