• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naging mabunga ang 2-day state visit PBBM ibinida pinalakas na ‘strategic partnership’ sa Vietnam

NAKABALIK  na ng bansa si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. kaninang madaling araw mula sa kaniyang dalawang araw na state visit sa Vietnam na nag resulta sa pagpapalakas pa ng strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Ipinagmalaki ding ibinalita ng Pangulong Marcos na naging mabunga ang kaniyang biyahe dahil sa kaliwat kanang mga official engagements mula sa ibat ibang grupo mula sa gobyerno at sa business sector ng Vietnam.

 

 

Alas-3:30 kaninang madaling araw ng lumapag ang PR 001 sa Villamor Air Base.

 

 

Sa pulong nina Pang. Marcos at Viet Nam President Vo Van Thoung muling pinagtibay ng dalawang lider ang kanilang commitment na palakasin ang relasyon at tinunghayan ang exchange agreements sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Kanilang tinalakay ang kooperasyon sa defense, maritime, trade and investment, economic, education, tourism and culture.

 

 

Nagkaroon din ng hiwalay na pulong si Pangulong Marcos kay Viet Nam Prime Minster Pham Minh Chinh and National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue, kanilang pinag-usapan ang pagpapalakas sa bilateral relations to people-to-people exchanges, parliamentary cooperation,at marami pang ibang collaboration.

 

 

Ipinagmalaki din na inulat ng Pangulo na matagumpay nilang napangalagaan ang interes ng mga negosyanteng Pinoy na nag ooperate sa Vietnam sa pamamagitan ng pagbibigay ng plataporma kung saan pwede nilang iparating ang kanilang mga plano at saloobin.

 

 

Naging mabunga din ang pulong ng Pangulo sa mga Vietnamese business leaders at ipinahayag ang interes na palawakin ang kanilang negosyo sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • P50 milyon inilaan ng Kamara sa COVID-19 vaccine

    Naglaan ang Kamara ng P50 million mula sa kanilang internal funds para sa COVID-19 vaccination ng kanilang empleyado,  House media at lima sa pamilya ng mga ito sa oras na maging available na ang bakuna sa Pilipinas.   Mismong si Speaker Lord Allan Velasco ang nag-anunsyo nito sa isang media forum.   Gayunman, sinabi ni […]

  • ‘Paniniktik’ sa Pinas simula pa 2016 – Chinese spy

    IBINUNYAG ng Chinese ‘spy’ na si She Zhijiang na taong 2016 pa nagsimula ang ‘paniniktik’ nila sa Pilipinas kung saan nakatrabaho niya si dating Bamban mayor Alice Guo.   Sa pahayag ni She sa Al Jazeera documentary, sinabi nito na nagkakaso siya sa China at pinaaresto sa kasong illegal gambling. Pinangakuan siya ng kanyang recruiter […]

  • ‘Thank you for the ride, Sir’: Pacquiao, ibang miyembro ng Senado nagpasalamat kay Duterte

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat at pagbati sa social media ang ilang miyembro ng Senado para sa termino ni outgoing President Rodrigo Duterte.     Sinabi ni Sen. Manny Pacquiao na nanatiling matatag si Duterte sa harap ng maraming problema.     “Thank you, President Rodrigo Roa Duterte, for serving our country…. You remained steadfast as you […]