Nagpakilalang pulis, senglot na sekyu kulong
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
Kalaboso ang isang lasing na security guard matapos magpakilalang pulis habang nagwawala umano sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Si Francisco Ladrera, Jr. 42 ng Phase 7B Blk 33, Lot 22 Brgy. 176 Bagong Silang ay inaresto ng rumespondeng mga tauhan ng Llano Police Sub-Station 7 matapos walang maipakitang police identification card at sa halip ay nagpakita ng expire na lisensya ng dala niyang baril na isang kalibre 45 pistola na may dalawang magazine na kargado ng 16 na bala.
Nang kapkapan, nadiskubre ng mga pulis sa itim na sling bag ng suspek ang 16 piraso pang bala na para sa kalibre .45 pistol.
Sa natanggap na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dakong 7:30 ng gabi nang respondehan ng mga barangay tanod ng Brgy. 176 na sina Resty Curitao, 36, Alvin Villar, 42 at Ariel Aurique ang tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap kaguluhan sa 893 Llano Road.
Pagdating sa lugar, lumapit ang lasing na suspek at nagpakilalang miyembro ng Caloocan police saka ipinakita ang dalang baril na nasa kanyang sling bag na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis ang mga tanod.
Ayon kay Col. Mina, mahaharap ang suspek sa kasong Usurpation of Authority at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act. (Richard Mesa)
-
Construction ng $11 B Sangley airport deal nakuha ng Yuchengco lead-group
ISANG consortium na pinangungunahan ng Yuchengco Group kasama ang Cavitex Holdings at grupo ni Lucio Tan sa ilalim ng MacroAsia Corp. ang nakakuha para sa pagtatayo ng $11 billion na Sangley Point International Airport (SPIA). Nakuha ng consortium kasama ang mga foreign partners nito mula sa provincial government ng Cavite ang notice of award […]
-
DOTr: Inagurasyon ng 2 bagong LRT 2 stations pinagpaliban
Pinagpaliban ng Department of Transportation (DOTr) ang inagurasyon ng 2 bagong estasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension mula sa dating April 26 at inilipat sa June 23 dahil na rin sa kagustuhan na magpatupad ng striktong health protocols. Hindi na muna tinuloy ang inagurasyon dahil na rin sa mga bagong […]
-
3 puganteng SOKOR, inaresto ng BI
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa pag-operate ng illegal gambling site sa internet. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga dayuhan ay inaresto sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga miembro ng bureau’s fugitive search unit […]