Nagsimula na ang kanyang US concert tour: ALDEN, ‘di na makapapasyal dahil babalik agad para sa taping nila ni BEA
- Published on September 6, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA na ng “ForwARd” concert tour si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
But before he officially started his concert tour last September 3, sa San Mateo Performing Arts Center, nag-courtesy visit siya sa Philippine Consul General in San Francisco na si Honorable Neil Ferrer.
He also handed Consul General Ferrer a copy of GMA Pinoy TV’s #StrongerTogether Coloring Book in partnership with NYC Filipinos.
Pero walang time si Alden na mamasyal pa roon after the concert tour dahil kailangan niyang bumalik agad para tapusin nila ni Bea Alonzo ang taping ng “Start-Up PH” na nagtatampok din kina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Boy 2 Quizon, Royce Cabrera, Kim Domingo at si Ms. Gina Alajar, sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.
***
NATULOY na rin ang pag-sign-up sa Advanced Media Broadcasting System Channel 2 (AMBS) ng Villar Group ng mag-asawang Toni Gonzaga at film director Paul Soriano, last Thursday, September 1, 2022.
Sigurado nang isa sa mga shows na gagawin doon ni Toni ay ang isang malalim, pero very interesting na talk show.
Isa sa inaasahang grand opening salvo ng bagong TV network ay ang pagbabalik sa national broadcast television ni Willie Revillame. Nauna nang pumirma ng kontrata si Willie sa AMBS, kasama ang kanyang sikat na variety show na “Wowowin.”
Marami pang inaasahang mga bagong shows na papasok na magtatampok sa mga artistang matagal ding nawalan ng kani-kanilang mga programa.
***
MAGSISIMULA na rin ang third installment ng “Mano Po Legacy” ang “The Flower Sisters” na magtatampok sa apat na palaban na Filipino-Chinese sisters na mag-aagawan sa atensyon ng kanilang ama at ng naiwanan nitong kayamanan.
Nagkaroon na ng story conference ang episode na magtatampok kina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino at Angel Guardian.
Among the four, ang challenged ay sina Thea at Angel.
“Medyo naninibago ako dahil ever since nag-start akong umarte, madalas na mga kontrabida roles ang mga ginagampanan ko, but lately, mababait naman ang roles na ginagawa ko, kaya siguro ay hihintayin ko muna ang script para malaman ko kung ano talaga ang character na dapat kong pagtuunan ng pansin,” sabi ni Thea.
“Gusto kong gumanap ng iba’ibang roles, at gusto kong makasama ang iba namang artista,” nangingiting wika ni Angel. “Kaya ngayon excited na ako kung ano naman ang gagamapanan ko, tulad nang ikinuwento sa amin ni direk Joey Reyes noong story conference namin.”
Happy si Angel na kababalik lamang mula sa pagti-taping nila ng “Running Man Philippines,” ang reality show na collaboration ng GMA Network ng South Korea at doon nila kinunan ang buong show nina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Castro, Lexi Gonzales at Buboy Aguilar.
Matagal-tagal ding napahinga si Aiko dahil kumandidato siya sa katatapos na election. Kaya pag-aaralan din daw niya ang bagong character na gagampanan niya. Si Beauty naman ay on-going pa every afternoon ang kanyang “The Fake Life” sa GMA-7 after “Return To Paradise.”
(NORA V. CALDERON)
-
Implementasyon ng 0.75 meter na distancing suspendido
Pansamantalang sinuspinde ang implementasyon ng 0.75 meter na distancing sa mga pampublikong transportasyon at ibabalik ito sa sa one meter. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos itong ianunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isinagawang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Nakatakda namang magdesisyon […]
-
Hindi pa rin interesado na tumakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022
“I am still not interested.” ito ang naging pahayag ni Senador Bong Go matapos tanggapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-endorso sa kanya ng ruling party PDP-Laban na tumakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022. Sa isang video message, sinabi ni Go na nakatutok siya sa kanyang tungkulin bilang senador upang tulungan ang […]
-
Sobrang taas ng presyo ng baboy, tinutugunan ng pamahalaan
KASALUKUYAN nang kumikilos ang gobyerno para tugunan ang sobrang taas ng presyo ng baboy. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umaangkat na ang Department of Agriculture ng baboy na mula hindi lamang sa Visayas at Mindanao kundi pati na sa iba pang mga ASF-free areas ng Luzon. Maliban dito aniya ay nag-i-import na rin […]