NAGSULPUTANG PEKENG COVID VACCINE, BABANTAYAN NG NBI
- Published on February 8, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSASAGAWA ng monitoring ang National Bureau of Investigation (NBI) para mabantayan ang pagpuslit ng mga nagsulputang pekeng Covid-19 vaccines sa bansa.
Kaugnay nito, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon sa importation, selling at distribution ng Covid-19 vaccine na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi aprubado ng food and Drugs Administration (FDA).
Una nang inatasan ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa ulat ng mga pekeng mga gamot na nakakapsok sa bansa kasama na rito ang bakuna kontra Covid-19.
Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabakunahan na ang ilang miyemro ng sundalo partikular ang Presidential Security Group (PSG) .
Sinasabing ang bakuna na donasyon mula sa China ang sinasabing itinutok sa mga sundalo at iba pang personalidad kung saan wala itong rehistro o hindi dumaan sa FDA at wala rin itong emergency use authorization.
Kabilang ang mga sundalo sa priority list ng gobyerno na makakatanggap ng bakuna sa sandalling dumating na ito sa bansa. (GENE ADSUARA)
-
NAKISALI sina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez
NAKISALI sina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at ilang mga konsehal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa paghataw sa Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola na mga Navoteño seniors na bahagi ng ika-118th Navotas Day celebration. (Richard Mesa)
-
PPC, PHILSPADA handa sa Summer Paralympic Games
PATULOY ang mga agam-agam para sa ikalawang pag-urong ng petsa o tuluyang makansela na lang ang 16th Summer Paralympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa parating na Agosto 24-Setyembre 5 sa Tokyo, Japan sanhi ng pandemya. May kaba man, walang puknat sa preparasyon ng Philippine Paralympic Committee (PPC) para sa nalalapit […]
-
Delivery ng 50K doses ng Sputnik V madi-delay
Madi-delay ang pagdating sa bansa ng 50,000 doses ng SputnikV na gawa sa Russia, ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. Ayon kay Galvez, nakatanggap ang NTF Vaccine Cluster ng isang sulat mula sa Russian Direct Investment Fund (RDIF) noong Hunyo 20 na […]