• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagulat sila sa kasikatan ng ‘Gento’: STELL, kasama pa rin sa SB19 kahit may solo career na

KAHIT na sinasabing iba ang P-Pop sa K-Pop na siya naman din totoo, pero hindi namin maiwasang hindi pa rin makita kung paano, ang effective strategy sa career ng mga K-pop Idols ang nakikita rin namin sa mga miyembro ng SB19.
Hindi talaga maitatanggi, ang SB19 ang pinakasikat at talagang gumagawa ng marka bilang P-Pop group, hindi lang sa bansa kung hindi maging sa international.
Nakausap nga namin si Stell, isa sa miyembro ng SB19 at sa kanila, si Stell ang isa sa coaches ng ‘The Voice Generations.’ Walang nabago, kasama pa rin si Stell sa lahat ng promotion ng grupo, lalo na ang series of concert nila sa Canada at U.S., but at the same time, through ‘The Voice Generations’, meron na rin siyang solo career.
Ayon dito, masaya raw sa kanya ang lahat ng co-members niya at very supportive. Same goes with other members na meron din ibang pinagkaka-abalahan as a solo naman.
Sabi pa ni Stell, talagang nagulat daw sila sa kasikatan ng ‘Gento’ dahil excited daw sila sa kanilang E.P. na “Pagtatag” pero ‘di raw nila inakala na ang Gento ay sobrang init ang magiging pagtanggap.
Naaliw rin kami rito nang tanungin kung ano ang hindi na nila nagagawa ngayon na dati ay malaya pa nilang nagagawa. Sey niya na natatawa, “hindi na kami nakakapag-grab. Ngayon kasi, may sasakyan na.”
Feel namin, marami pa talagang records na ibi-break ang SB19.
***
SA unang pagkakataon ay inamin ng Sparkle artist na si Yasser Marta na may something nga pala sa kanila ng isa pang Sparkle artist na si Kate Valdez.
Inamin ni Yasser nang maging guest ito sa Youtube podcast na “Marites University” na nanliligaw raw siya kay Kate.
“Sa totoo lang, nanliligaw,” pag-amin niya.
“At saka, mas kinikilala pa rin namin ang isa’t-isa. Kasi, parehas na nasa showbiz. ‘Yung time, ‘yung pagiging busy. Hindi rin kami madalas magkita ngayon kaya ayaw rin naming madaliin.
“Pero, sinusuportahan din namin ang isa’t-isa.”
Ayon pa kay Yasser, may pagka-old soul, conservative raw siya. At ngayon daw kasi, parang bihira na lang makakita ng babaeng takot sa magulang at conservative. Ilan daw ‘yun sa mga katangian na nakita ni Yasser kay Kate kaya nagustuhan niya ito.
Sa ngayon, masaya raw si Yasser na halos regular siyang napapanood sa revamped ‘Eat…Bulaga!’
Alam din namin, supposedly ay guest lang siyang talaga rito, pero nagustuhan daw si Yasser kaya halos araw-araw na siyang napapanood.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Pinoy na walang trabaho bumaba sa 1.6-M, kaso job quality bumaba

    BAGAMA’T lumiit ang unemployment rate, tumaas ang porsyento ng mga Pilipinong naghahanap ng karagdagang trabaho o dagdag oras sa trabaho (underemployment rate).     Ayon sa December 2023 Labor Force Survey na inilabas ngayong Miyerkules ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba patungong 3.1% ang unemployment rate — mas mababa sa 3.6% noong Nobyembre 2023.   […]

  • 2 babaeng tulak tiklo sa buy bust sa Caloocan, P300K shabu, nasamsam

    KALABOSO ang dalawang babae na umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.     Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting District Director […]

  • Suggested prices sa mga noche buena products inilabas na ng DTI

    INILABAS na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) ng mga noche buena products ngayong 2020.   Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, napakiusapan nila ang mga manufacturers na ang gagamiting presyo ngayong taon ay parehas din noong 2019.   Isa aniya itong paraan para matulungan ang mga consumers na […]