• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naiyak ang two-time Oscar winner sa verdict na ‘not guilty’: KEVIN SPACEY, acquitted sa sexual offenses na kinaso ng apat na lalaki sa UK

SA pagtatapos ng musical na Ang Huling El Bimbo, sunod naman na gagawing musical ay ang awitin ng Parokya Ni Edgar.

 

 

Inawit sa closing ng Ang Huling El Bimbo sa sa Newport Performing Arts theater, ang classic hit ng Parokya Ni Edgar na Harana.

 

 

Sinanbay pa sq Harana ang paglabas ng ilang simbulo na maiuugnay sa top hits ng Parokya Ni Edgar, kabilang ang gitara sa Harana, slice ng pizza sa Picha Pie, bigote para sa Mr. Suave, bote ng beer para sa Inuman Na, at manok para sa Chikinini.

 

 

May lumitaw din na nakasulat na “Abangan 2024.”

 

 

Ibinahagi ni Dingdong Novenario, nagsulat ng Ang Huling El Bimbo musical, ang video ng naturang pagtatanghal sa Facebook.

 

 

Sa Instagram, sinabi ni Parokya vocalist at The Voice Generations judge Chito Miranda na: “Ginawa nila ‘to during the final curtain call ng ‘Ang Huling El Bimbo. Nakakakilabot.”

 

 

***

 

 

Acquitted ang aktor na si Kevin Spacey sa nine sexual offenses na kinaso sa kanya ng apat na lalaki sa United Kingdom.

 

 

Naganap daw ang panghahalay ng aktor sa mga lalakeng ito between 2001 and 2013.

 

 

Naiyak daw ang two-time Oscar winner nung i-announce ng jury ang verdict na “not guilty”.

 

 

“I imagine that many of you can understand that there’s a lot for me to process after what has just happened today. I am humbled by the outcome today,” sey ng aktor na unti-unti nang nakakabangon sa pagkabagsak ng career niya.

 

 

Maraming projects ang nawala sa 64-year old actor simula noong kasuhan siya ng sexual assault, indecent assault, and causing a person to engage in sexual activity without consent noong kasagsagan ng #MeToo movement in 2018.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Kamara may P4.7-B sobrang pondo kahit lumaki ang gastos

    UMABOT sa P4.7 bilyon ang budget surplus ng Kamara noong 2022 kahit pa lumaki ang gastos nito ng P934.41 milyon.     Batay sa datos ng Commission on Audit (COA), mula sa P2.64 bilyon noong 2021 ay tumaas ng 78 porsyento ang budget surplus ng Kamara.     Ayon sa 2022 Financial Statements ng House […]

  • COVID case papalo sa 100K sa Agosto – UP study

    Malamang na abutin ng hanggang 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling araw ng Agosto.   Babala ito ni Professor Dr. Guido David, miyembro ng University of the Philippines OCTA Research group, kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang sistema nito at mga paraang ginagawa para labanan ang pandemic.   Kasunod ito ng ulat […]

  • ‘Man in black’ sa CCTV footage ng Jolo shooting, iniimbestigahan na ng NBI

    Kwestiyonable ngayon ang nasaksihan sa CCTV footage na umano’y may ‘man in black’ na gumalaw sa katawan ng isang sundalong napatay sa pamamaril sa Jolo, Sulu.   Sa ulat, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang CCTV footage ng insidente.   Makikita sa video ang lalaking nakaitim na nakasuot ng sumblero na […]