• April 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAKA-MOTOR NA SNATCHER, TODAS

TODAS ang isang umano’y snatcher na sakay ng motorsiklo matapos tamaan ng bala makaraang aksidenteng pumutok ang baril ng pulis na kanyang tinangkang agawin sa Malabon City, Huwebes ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang nasawing suspek na si John Paul Sanchez, 20 ng 175 Kaingin St. M. H. Del Pilar, Brgy. Tinajeros.

 

Sa imbestigasyon ni PSSg Jose Romeo Germinal II, ala-10:25 ng gabi, minamaneho ni PSSg Leo Lubiano, 41, nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 2 sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Andres Victoriano patungo sa Brgy. Tinajeros nang hingan siya ng tulong ni Rossana Santos, 37 ng Katarungan St. Brgy. Muzon makaraang hablutan ng gamit ng suspek.

 

Dahil dito, hinabol ng pulis ang suspek na sakay ng isang motorsiklo hanggang sa magawa nitong maabutan sa kahabaan ng M. H Del Pilar, Brgy. Tinajeros at mabawi ang inagaw na gamit.

 

Gayunpaman, habang inaaresto ay bigla na lamang sinunggaban ng suspek ang service firearm ng pulis na naging dahilann upang magpambuno ang mga ito hanggang sa aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan sa katawan si Sanchez.

 

Matapos ang insidente, mabilis na isinugod ng pulis ang suspek sa Ospital ng Malabon subalit, hindi na ito umabot ng buhay habang narekober ng mga tauhan ng SOCO na rumesponde sa crime scene ang isang coin purse na naglalaman ng tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu mula sa gate away motorsiklo ng suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Mahigit P565-M halaga ng food packs, inihanda ng DSWD para sa epekto ng Typhoon Mawar

    NAGLAAN ang DSWD ng mahigit P565 milyong halaga ng food packs sa mga rehiyonal na tanggapan nito, habang naghahanda ito sa pananalasa ng Bagyong Mawar.     Sinabi ng ahensya na nakapaghanda ito ng kabuuang 797,051 family food packs sa mga regional office nito.     Bukod dito, mayroong 110,667 family food packs sa disaster […]

  • Ilagay na ang NCR sa Alert Level 1 sa Marso

    NAGKASUNDO ang mga alkalde sa buong Metro Manila na i-downgrade na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1 simula sa darating na Marso 1.     Ayon kay Metro Manila Council chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ipapadala nila ang rekomendasyon nila sa Inter Agency Task Force (IATF), na siya namang maglalabas nang […]

  • PBBM, itinalaga si Richard Fadullon bilang bagong NPS chief

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si prosecutor Richard Fadullon bilang prosecutor general ng National Prosecution Service (NPS).   Pinalitan ni Fadullon si dating Prosecutor General Benedicto Malcontento, nagretiro mula sa kanyang tungkulin noong Oktubre matapos ang limang taon sa serbisyo.   Bago pa ang kanyang appointment, si Fadullon ay nagsilbi bilang senior deputy state […]