• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakaabot naman sa Top 10 si Michelle: SHEYNNIS PALACIOS, kauna-unahang Miss Universe na mula sa Nicaragua

MISS Universe 2023 made history dahil sa unang pagkakataon na manalo ng beauty queen from Nicaragua na si Sheynnis Palacios.

 

 

 

Ginanap ang 72nd Miss Universe coronation ceremonies sa Jose Adolfo Pineda Arena in San Salvador, El Salvador.

 

 

 

Kinabog ni Palacios ang 84 other candidates sa simula pa lang ng preliminary hanggang sa final coronation. Consistent crowd favorite at naging effortless ang pagpasok ng Nicaraguan beauty sa Top 20, Top 10, Top 5 at Top 3 hanggang koronahan na siya ni outgoing queen R’bonney Gabriel of the United States of America.

 

 

 

Ang former Miss Supranational and Thai candidate Anntonia Porsild was named 1st runner-up samantalang ang Australian beauty na si Moraya Wilson ang 2nd runner-up.

 

 

 

Completing the Top 5 were Karla Guilfu Acevedo of Puerto Rico and Camila Avella of Colombia, na kauna-unahang contestant ng Miss Universe na isang mother of two children.

 

 

 

Ang ating pambato nating si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ay nagpakita ng strong performance mula sa preliminary judging hanggang sa makapasok siya sa Top 20 at Top 10.

 

 

 

Nakabilang naman si Dee sa tatlong Gold winners ng Voice for Change advocacy project ng Miss Universe. Kasama niya rito sina Karla Guilfu Acevedo of Puerto Rico and Ana Barbara da Silva Coimbra of Angola.

 

 

 

Tumanggap sila ng tig-$12,000 para sa respective outreach projects nila.

 

 

 

Ang ibang kandidata na bumuo sa Top 10 ay sina Camila Esribens (Peru), Isabella Garcia-Manzo (El Salvador), Diana Silva (Venezuela) and Athenea Perez (Spain).

 

 

 

Ang ibang candidates ng Top 20 ay sina Marina Machete (Portugal), Erica Robin (Pakistan), Shweta Sharda (India), Jameela Uiras (Namibia), Celeste Viel (Chile), Jordanne Levy (Jamaica), Noelia Voigt (USA), Issie Princess (Cameroon), Jane Dipika Garrett (Nepal) and Bryoni Govender (South Africa).

 

 

 

Si Portugal ang unang transwoman na makapasok sa Top 20. Si Nepal ang una namang plus-size candidate at first time sumali ng bansang Pakistan sa Miss Universe.

 

 

 

Ang naging members ng selection committee this year ay sina Miss Universe 1977 Janelle “Penny” Commissiong, Carson Kressley, Avani Gregg, supermodel Halima Aden, Dr. Connie Mariano, Mario Bautista, Sweta Patel, actor Giselle Blondet, Denise White and Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.

 

 

 

Nagpasalamat naman ang president ng El Salvador na si Nayib Bukele dahil sa mainit na pagtangkilik ng Miss Universe sa kanilang bansa for the second time. Unang ginanap ang Miss Universe sa El Salvador ay noong 1977.

 

 

 

Mga naging hosts ng pageant ay sina Maria Menounos, Miss Universe 2012 Olivia Culpo, Jeannie Mai, with backstage correspondents Zuri Hall and Miss Universe 2018 Catriona Gray. Guest performer ay ang EGOT (Emmy, Grammy, Oscar, Tony) awardee na si John Legend.

 

 

 

Ang Mexico naman ang napiling maging host country para 73rd Miss Universe sa susunod na taon.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ex- Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso

    NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election.   Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder at violation of BP No. 880 ang isinampa […]

  • Pilipinas hindi pa nakakabili ng bakuna laban sa COVID-19 – PRRD

    Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa nakakabili ang bansa ng bakuna laban sa COVID-19.     Ito ang naging kasaguntan ng pangulo sa mga tanong ng ilang opisyal na kung saan napunta ang inutang ng gobyerno pambili ng nasabing bakuna.     Sa kaniyang public address nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng pangulo […]

  • Harry Roque, nagsumite ng counter-affidavit na naka-notaryo sa Abu Dhabi

    NAGSUMITE ang kampo ni dating presidential spokesperson Harry Roque, araw ng Martes ng isang counter-affidavit na naka-notaryo sa Abu Dhabi.     Sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon na ang counter-affidavit ukol sa qualified trafficking complaint na inihain ng Department of Justice (DOJ) laban kay Roque ay naka-subscribe sa Abu Dhabi noong Nobyembre 29.   […]